Kinabukasan Balita

Zion, Kai enjoy sa bundok

Sayang, Dondon (my dear editor), dahil pareho tayong hindi naka-attend kahapon sa re-launch ng Tessera Jewelry sa Manila Private House kung saan ipinakilala si Sarah Lahbati bilang brand ambassador.

Pero siyempre, kahit nasa Beverly Hills, California ako, nakatutok pa rin ako sa event na ‘yon.

Anyway, nagkachikahan naman kami ni Sarah kahapon at sobrang excited din siya sa kanyang bagong endorsement.

Isa pang napagkuwentuhan namin ng misis ni Richard Gutierrez ay ‘yung palagi nilang pagka-camping sa iba’t ibang scenic destinations sa ‘Pinas.

Noong first week of July ay ilang araw rin silang nag-camping sa may Nueva Vizcaya kung saan nag-celebrate sila ng birthday ng nanay ni Sarah na si Esther Lahbati.

Sobrang saya ang bonding nila roon, kaya naman from Monday to Thursday last week ay nag-camping na naman sila and this time, mas malapit na, sa may Tanay, Rizal lang, kung saan ay sobrang enjoy raw sila.

Kakaiba raw ang bonding na ‘yon nina Sarah at Richard kasama ang mga anak na sina Zion at Kai. Nae-enjoy raw nila ang nature.

Isinama rin nila ang nephew ni Richard na si David Gutierrez (anak ni Rocky), kaya enjoy raw sina Zion at Kai.

Naku, sa kuwento ni Sarah, ang sarap daw sa camping place na ‘yon sa Tanay na hindi naman malayo sa Metro Manila, kaya try rin nating pumunta roon, Dondon. For sure, mag-e-enjoy raw tayo like Sarah and her family.

Dinaan sa dasal: Bayani tinawag na ‘mayabang’ si…

‘Goodfellas’ star pumanaw na

Mga anti-Marcos eeksena sa mga sinehan

Bongga!

Anyway, ine-enjoy na nina Sarah, Zion at Kai ang bonding moments with Richard dahil malapit na uling sumalang sa lock-in taping ang aktor para sa bago niyang action-drama series for ABS-CBN.

Lani bongga ang music video sa LA

Nasa Los Angeles, California last weekend ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha dahil nag-shoot siya para sa kanyang latest music video.

Sa pictures na shinare ng singer na si Gart Garcia, makikitang full production ang music video shoot ni Lani at marami silang mga location na pinuntahan, huh!

Ang bongga dahil may topdown car pa na ginamit.

At least, nakakapag-concert, nakakapag-shoot na rin ng music video si Lani after niyang magkaroon ng hearing loss noong 2020 dahil sa bacterial meningitis.

At least, active na naman si Lani.

Nice!

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!