Kinabukasan Balita

Young, Heroes sokpa sa semis

NAGTULUNGAN sina IM Angelo Young at Woman International Master Ummi Fisabilillah upang pabagsakin ng inaugural champion Laguna Heroes 13-8 at 11-10 ang Manila Indios Bravos para makopo ang semifinals berth sa northern division ng “Wesley So Cup 2022” Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online chess tournament na nilaro via Chess.com Miyerkoles.

Nagtala ng panalo sina Young at Fisabilillah para sa Laguna matapos pisakin sina Dr. Jenny Mayor sa 38 moves ng Nimzo-Indian Defense at Woman National Master Mira Mirano sa 52 moves ng King’s Indian Attack.

Maging si Richie Jocson ay kumana ng panalo laban kay Candidate Master Alji Cantonjos sa 85 moves ng Scandinavian Defense.

Gilas sesentro kay Clarkson

Tenorio, Gin Kings tigok ‘pag kumurap

Adebayo ayaw itapon ng Heat

“Every match against Manila was tough. We are fortunate for winning in both matches. After losing 5-2 in the 2nd natch of blitz, I told the team to be aggressive in the rapid to prevent armageddon. I appreciate the team for delivering the needed points,” sabi ni AGM Dr. Fred Paez ng Jolly Smile Dental Clinic, isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO at Greatech Philippines, Inc., Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice Foods at Engr. Antonio Balinas ng AC Balinas Construction and Steel Works.

Susunod na makakalaban ng Laguna ay ang Pasig na pinayuko ang Rizal, 19-2 at 17.5-3.5. (Elech Dawa)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!