Kinabukasan Balita

Xian Gaza nakisali sa isyu nina Vanessa Raval at Skusta Clee: Hindi ako naniniwala na papatol ka sa ganun kapangit

Xian Gaza nakisali na sa isyu ni Vanessa Raval at Skusta Clee: Hindi ako naniniwala na papatol ka sa ganun kapangit
NAKISAWSAW na rin ang self-proclaimed Pambansang Marites na lalaki na si Xian Gaza sa trending issue na kinasasangkutan ngayon ni Vanessa Raval, kapatid ni AJ.

Kahapon ay pinalagan ni Skusta Clee ang dalaga at hinamon ito na pangalanan kung sino ang tinukoy nitong rapper na ayaw siyang tigilan.

Sa naturang Facebook post ay nag-comment si Xian at kinampihan ang Ex-Battalion member.

“Hindi ako naniniwala na papatol ka sa ganun kapangit dahil tayong mga pangit ay mataas ang standards pagdating sa mga babae. I stand with Skusta Clee,” comment ni Xian.

Nireplyan naman ito ni Vanessa at sinabing “Nagtanong ako sa ate ko kung kilala ka niya. Si Gaza yung cute na naka-yellow.”

Ibinahagi rin ng dalaga ang screenshot ng comment ng “Pambansang Marites na Lalaki” sa post ni Skusta Clee sa kanyang Facebook page.

“Christian Albert Gaza patawarin moko kung Hindi ako pasado sa standards mo. Basta Ang Alam ko, cute ka daw,” sey ni Vanessa kay Xian.

Ngunit tuluyan na ngang mas lumaki pa ang isyu dahil may pa-blind item rin si Xian ukol sa isang babae na gumawa diumano ng dummy account at nagpanggap daw bilang Daryl Ruiz.

“So gumawa siya ng dummy account na ang pangalan ay Daryl Ruiz tapos chinat niya ang kanyang sarili and then ini-screenshot niya ito tapos inupload niya sa Facebook with censored name para magpanggap na may lumalandi sa kanyang rapper kahit pangit siya,” diretsahang saad ni Xian.

Dagdag pa niya, “Ibang klase ang kacheapan ng babaeng ito. Hindi ko kinakaya. Very low breeding. So squammy. Yucks.”

May isang netizen ang nagtanong kung sino ang tinutukoy ni Xian sa kanyang post ngunit ang clue lang na sinabi nito ay “mala-prinsesa ang ganda”.

Bagamat walang pangalang binabanggit, marami agad ang nagsabing ang tinutukoy niya ay ang kapatid ni AJ na si Vanessa.

Pumalag naman si Vanessa sa mga paratang na natatanggap dahil sa Facebook post ni Xian na ngayon ay burado na.

“Christian Albert Gaza Hindi naman nga kasi sya pre. Ako na nag sasabi o galing na mismo sakin AHAHAHAH,” sey ng dalaga.

Related Chika:
Vanessa Raval ‘scripted’ nga ba ang pag-iingay sa socmed para pagtakpan si AJ?

Kapatid ni AJ Raval viral na rin dahil sa blind item tungkol sa ‘rapper at pangit na cheater’

Skusta Clee hinamon si Vanessa Raval: Paki-reveal nga kung sinong ka chat mo dyan

Xian Gaza nanganganib makasuhan ng cyber-libel sa pakikisawsaw kina Skusta Clee at Zeinab Harake?

Ogie Diaz kay Xian Gaza: Tigilan mo na ang pagiging Marites!

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!