Kinabukasan Balita

Walang utang na loob? Ryzza Mae Dizon, never raw nagpasalamat kay Lolit Solis

Pinatira raw ni Lolit Solis ng halos isang taon sa kaniyang condo unit ang tv host at actress na si Ryzza Mae Dizon at never raw itong nagpasalamat sa kaniya.

Sa isang Instagram post nitong Huwebes, Hulyo 28, ikinuwento ni Lolit na tumira ng halos isang taon si Ryzza Mae sa kaniyang condo unit dahil umano kay Malou Fagar. Wala namang nabanggit ang si Lolit kung anong taon nanirahan ang aktres.

“Ayoko sana IG ito pero hindi ko lang matiis malaman kung ano magiging sagot, Salve. Alam mo ba na tumira ng halos 1 year na libre sa condo unit ko si Ryzza Mae ng Eat Bulaga dahil kay Malou Fagar?” sey ni Lolit.

Dagdag pa niya, never daw siyang binati ng dating child actress kapag birthday niya o pasko. “Pero never nakaalala bumati ng birthday o Christmas. Never man lang nag thank you, kaloka ha. At ngayon nga, never man lang nagparamdam na kumustahin ako, bongga. Para bang utang na loob ko pa na tumira siya ng libre sa condo unit ko ha.”

Sey rin niya ayaw na sana niyang isumbat pa. Naisip lang daw niya ito dahil napanuod niya si Ryzza Mae.

“Ayaw ko isumbat, naisip ko lang bigla kasi napanuod ko siya. Meron pala ganuon tao hindi naalala mga bagay na nagawa mo sa kanila, basta ganuon lang, parang hangin dumaan. Ok lang, wala naman problema, malay mo one day ako naman makitira sa bahay ni Ryzza Mae hah hah hah, as if,” patutsada pa niya. 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Nakilala si Ryzza Mae nang manalo ito sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga noong 2012.

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/05/31/ryzza-mae-dizon-nagdadalaga-na-bagong-screen-name-ni-aling-maliit-alamin/

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!