Kinabukasan Balita

Vilma niregaluhan agad ng bonggang regalo ang apo, pinayuhan sina Luis at Jessy: May times na mag-aaway kayo, sa totoo lang, pero…

Vilma Santos, Luis Manzano at Jessy Mendiola

HINDI pa man isinisilang si Baby Peanut ay mukhang spoiled na ito sa kanyang lolang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Super excited na nga ang award-winning veteran actress sa una niyang apo sa anak na si Luis Manzano at sa asawa nitong si Jessy Mendiola.

In fairness, ang tagal na talaga niyang hinihintay na magkaapo sa anak nila ni Edu Manzano kaya naman hindi pa naisisilang ni Jessy ang sanggol ay may advanced special gift na si Lola Vilma sa kanya.

Sa isang bahagi ng latest vlog ni Ate Vi sa YouTube kung saan sumabak siya sa “category challenge” with Luis and Jessy ay biglang nagtanong ang beteranang aktres at dating public servant.

“Before anything else, pwede pakikuha?” pakiusap ni Vilma sa kanyang staff.

“When are you going to have your baby shower? Ano target niyo?” tanong niya sa celebrity couple. Sagot ni Jessy, “Baka mid-October po.”

“Ano ba ang ginagawa sa baby shower?” sundot na tanong ni Ate Vi na sinagot naman ni Jessy ng, “Ang sabi po ng OB ko, kaya daw po nagtu-throw ng baby shower kapag third trimester na kasi kumbaga ‘yun na ang kabuwanan mo.”

Nang makita ang regalo ng kanyang mother-in-law, nagulat si Jessy sabay sabing, “Naku, hindi pa lumalabas si Peanut, spoiled na.” 

Habang inilalabas ni Luis ang regalo sa box, in-explain na ni Vilma kung bakit UV sterilizer ang napili niyang gift para sa kanyang unang apo.

“Ito na ngayon ang pina-kalatest. Kasi talagang pina-check ko ito if it’s safe. Sabi nila, this is the best now especially in the klase of the environment that we have. So, this is going to be very good for the baby,” sey ni Ate Vi.

“Wow. Super kailangan natin ‘yan, Howhow. Thank you po, Momsky,” ang tuwang-tuwa sey naman ni Jessy.

“This is the latest, anak. It’s UV. ‘Yung pang-steam steam, for the baby, it’s UV na,” pag-ulit pa ni Vilma.

Samantala, muling nagbigay ng payo ang veteran actress para kina Jessy at Luis ngayong malapit na rin silang maging parents. 

“Ako kasi, as Momsy V, I’m so excited and continuously praying for Peanut to be okay. And siyempre, para naman sa inyo, to my son, I’m happy too, because he’s happy. 

“For you Daddy, for you Mommy, it’s going to be the next chapter in your lives. I am not saying it’s going to be very, very smooth,” paalala ni Ate Vi.

Patuloy pa niya, “Pero, still, the most important thing is, lagi kayong mag-iisip nang pareho, as one. Kasi, wala na kayong choice eh. Mag-partner kayo. 

“Marami kayong pagdadaanang challenges. May mga time na mag-aaway kayo, sa totoo lang. May time pag-aawayan niyo rin si Peanut, sa totoo lang.

“But ang pinakaimportante, as long as the love and respect is there. Uulitin ko, the most important unit in our society, is family. Lahat ng inspirasyon, strength, encouragement, lahat ‘yan manggagaling ‘yan sa pamilya,” ang paalala pa niya sa mag-asawa.

Jessy Mendiola, Luis Manzano magkaka-baby girl na

Vilma 60 years na sa showbiz: Imortal na ang Dyesebel at Darna na everytime pag-uusapan ‘yun, mababanggit ako…

Vilma Santos nanawagan sa mga fans na suportahan si Ate Guy: There is a time for everything

Vilma sa relasyon nina Edu at Cherry Pie: I’m happy, I wish them the best

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!