Kinabukasan Balita

Villa kampeon sa U18 division

PAKITANG-GILAS si woodpusher Robick Vohn Villa matapos magkampeon sa Under-18 division ng National Age Group Chess Championships na nilaro sa Robinson’s Place sa Malolos, Bulacan kamakailan.

Kinalos ni Villa si dating co-leader Janmyl Dilan Tisado sa ninth at final round para maghari sa boys U18 sa inilistang pitong puntos sa event na ang punong-abala ay si Mayor Christian Natividad.

Fajardo, Beermen sisipain Bossing

Eala umakyat WTA ranking

Iwas-pusoy

Nakipaghatian naman ng puntos si Cedric Khalel Abris sa 11th at last round kay Franklin Loyd Andes para ungusan si Jerish John Velardo via tiebreak (win-over-the-other rule) at sikwatin ang korona sa boys U16, pareho silang nagtala ng 9.5 points.

Ang top three winners sa nasabing event na suportado ng PSC, Malolos City, POC at NCFP Chairman President Butch Pichay ay magwawagayway ng bandera ng Pilipinas sa international meet kabilang ang ASEAN Youth Championships na nakatakdang umarangkada ngayong taon sa Bangkok, Thailand. (Elech Dawa)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!