Kinabukasan Balita

Vice Ganda, ipinasilip ang bagong studio ng ‘It’s Showtime’; nagpahaging tungkol sa ‘overtime’

Nagsagawa ng “new studio reveal” si Unkabogable Vice Ganda sa magiging bagong tahanan ng kanilang noontime show na “It’s Showtime”, isang araw bago ang nakatakdang paglipat nila rito ngayong Lunes, Hulyo 25.

Ipinasilip ng komedyante-host ang magsisilbing bagong studio nila, bilang tugon sa panawagan ng mga netizen na mag-upgrade na sila ng stage design, dahil sa mga negatibong komentong marami na umanong naiispatang “tsismis” ang mga manonood na kailangan nang baguhin, gaya ng mga lumalawit na kurdon, madilim na dating ng mga ilaw, at iba pa. Nagsagawa ng tour si Vice at ipinakita ang kasuluk-sulukan ng bagong studio.

Aminado naman si Vice na medyo naghigpit sila ng sinturon dahil sa medyo kinailangan nilang magtipid. Marahil, ang tinutukoy niya ay ang epekto ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN sa kita nito. Kaya malaki ang pasasalamat ng host sa mga manonood at sponsors na patuloy na nagtitiwala sa network at sa kanilang noontime show.

Ibang-iba na nga ang entablado at maging ang lugar kung saan mauupo ang live audience na tinatawag nilang “madlang pipol”.

Nagpahaging naman si Vice tungkol sa isyu ng “overtime” lagi ang Showtime nang ipakita niya ang isang LED TV na nasa bandang itaas.

“Hindi puwedeng tanggalin ‘yan dahil diyan lumalabas kung overtime na ang ‘It’s Showtime!” pabirong banat ni Vice Ganda.

Pabirong sinisi ni Vice ang kaniyang mga kapwa host na dahilan daw kung bakit laging overtime ang show; sa huli, kumambyo ang komedyante na siya talaga minsan ang dahilan kung bakit laging na-eextend ang oras nito.

Matatandaang tila nagpasaring ang isa sa mga host ng “Tropang LOL” na si Bayani Agbayani na dapat daw pasalamatan ang direktor nila dahil hindi kailanman nag-overtime.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/22/umanoy-pagpaparinig-ni-bayani-sa-pag-o-overtime-ng-its-showtime-sa-tv5-pinalagan-ni-vice/

Bagay na pinalagan naman ni Vice Ganda at gumanti rin ng pahaging.

Magka-back-to-back ang dalawang noontime show sa tanghalian, na naganap noong Hulyo 16.

Panoorin ang new studio reveal ni Vice Ganda sa kaniyang YouTube channel.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!