Kinabukasan Balita

Vanessa Raval, umaming gawa-gawa lang isyu tungkol sa rapper na humaharot sa kaniya

Inamin mismo ng online personality na si Vanessa Raval, kapatid ng sexy actress na si AJ Raval, na “scripted” lamang ang mga isyung ibinahagi niya sa social media, hinggil sa umano’y isang “sikat na pangit na rapper” na lumalandi sa kaniya, kahit sinabi na niyang may jowa siya.

Batay sa kaniyang deskripsiyon noong Hulyo 27 hanggang sa pagtatapos ng buwan, inaaya siya ng di pinangalanang rapper na mag-solo sila sa isang resort, dahil may pinagdaraanan ang naturang rapper, at nais niyang magkaroon ng ko-comfort sa kaniya.

Batay pa rin sa mga screengrabs ng kumbersasyon sa chat, makikitang tila pinalagan ni Vanessa ang kakaibang imbitasyon ng rapper.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/vanessa-raval-pumalag-sa-panghaharot-ng-umanoy-pangit-at-cheater-na-rapper/

Ipinagpalagay tuloy ng mga netizen na ang inilalarawan niya ay ang rapper na si Skusta Clee o Daryl Ruiz, na hanggang ngayon ay naba-bash pa rin dahil sa kontrobersyal na hiwalayan nila ni Zeinab Harake, at pagkakaroon umano ng bagong karelasyong si Aira Mae Lipata.

Pinalagan naman ito ni Skusta Clee at tinawag ang atensyon ni Raval. Hinamon niya itong pangalanan ang sinasabing rapper para maging fair sa mga sumusubaybay na netizen, gayundin sa kaniya, na siyang nakakaladkad sa isyu.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/skusta-clee-tinawag-ang-atensyon-ni-vanessa-raval-dahil-sa-pa-blind-item-tungkol-sa-isang-rapper/

Sa isang Facebook post, ipinagdiinan ni Vanessa na hindi si Skusta Clee ang tinutukoy niya, at wala siyang balak na mag-name drop para iwas-kaso. Nakialam na rin dito ang kapatid niyang lalaki na si Ace Raval.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/30/vanessa-raval-muling-pinagdiinan-hindi-si-skusta-clee-ang-rapper-na-humaharot-sa-kaniya/

Hindi pa rin tinantanan ng mga netizen si Vanessa at hinamon itong pangalanan na ang tinutukoy na rapper sa blind item.

Bagay na ginawa naman ni Vanessa dahil bago matapos ang Hulyo, sa pamamagitan ng TikTok video ay pinangalanan na niya ang rapper na umano’y humaharot sa kaniya. Ang pangalan ng rapper ay “Miguelito pero kilala rin bilang “Haring Manggi”. Hindi umano natatakot si Vanessa na makasuhan ni Miguelito matapos isiwalat ang pangalan nito.

Matapos nito, naglabas naman ng pahayag ang mismong aktres at kapatid niyang si AJ Raval, na dumidistansya sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya, sa isyung sinasabi ni Vanessa. Dito ay inamin ni AJ na bagama’t magkapatid sila, hindi naman sila close nito.

Hulyo 31, biglang bumawi si Vanessa at sinabing “scripted” lamang ang lahat, sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post.

“Scripted lahat! Pinlano gumawa ng kwento. Sumugal lang sa mga taong mahal ko sa buhay. Pero bandang huli talo. PATAWAD SA LAHAT.”

“Hindi para sa kita ng FB kaya ko ‘to ginawa. Ako na lang siguro nakakaalam no’n. Salamat.”

Nitong Agosto 1, sa pamamagitan ng TikTok video ay lubusan nang inamin ni Vanessa na gawa-gawa lamang niya ang lahat, at humingi ng paumanhin sa mga taong nakaladkad ng kaniyang ginawang isyu.

“Hindi ko na kayo muling bibiguin pa, nangangako ako sa inyo na lahat aayusin ko. Bigyan niyo lang ako ng chance na mahalin kayo at bumawi ako sa lahat ng kasalanan ko,” pahayag niya.

Mababasa naman sa comment section ng kaniyang social media posts ang masasakit na salita mula sa mga netizen dahil sa kaniyang ginawa.

Sa kabilang banda, marami rin ang naawa kay Vanessa. Lumabas pa ang mga tsismis na marahil, kaya ginawa ito ni Vanessa ay upang pagtakpan ang isyu ng pagbubuntis ni AJ. Pero ang nakapagtataka raw, “itinatwa” siya ng mismong kapatid. Tila nabalewala lamang daw ang kaniyang pagsasakripisyo.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!