Kinabukasan Balita

Vanessa Raval ‘scripted’ nga ba ang pag-iingay sa socmed para pagtakpan si AJ?

Vanessa Raval 'scripted' nga ba ang pag-iingay sa socmed para pagtakpan si AJ?

TRULILI kaya ang tsikang nakarating sa amin na kaya nag-iingay ngayon si Vanessa Raval na kapatid ni AJ Raval para mabaling sa kanya ang atensyon ng publiko lalo na ng mga ‘marites’ para hindi na pag-usapan ang pagdadalangtao ng huli?

Ayon sa aming source, “Scripted ‘yang pag-iingay nu’ng Vanessa para sa kanya mabaling ang isyu at mawala na ang mata ng publiko kay AJ. Unang-una kailangan talaga niyang sumabay sa isyu? Halatang-halata naman di ba?Hindi kasi namamatay ang tsikang buntis si AJ, e, kailangang patayin ang isyu kasi nga may movie siya sa Vivamax plus may asawa si Aljur na sinasabing nakabuntis sa kanya, e, di ano na? May asawa si Aljur, hindi pa sila legal na hiwalay ni Kylie (Padilla) plus senador pa ang tatay, so alam na this?”

Katwiran namin na base lang sa obserbasyon namin ay si Kylie ang nakipaghiwalay na ibig sabihin ayaw na niyang makasama si Aljur at sa pagkakaalam din namin ay nakikipag-ayos noon ang aktor pero ayaw na ng aktres.

If ever na totoong buntis nga si AJ, e, baka dedma na rin si Kylie at baka hindi na siya maghahabol since gusto rin naman niyang sumaya na ang ama ng mga anak niyang sina Alas at Axl.

“Huwag paka-siguro!” ito lang ang sagot ng aming source sa. kabilang linya

Dagdag pa, “Dapat pangalanan ni Vanessa sino ‘yung cheater at pangit na rapper na nangungulit sa kanya, kaso hindi naman niya ipinakita name kung sino ‘yung ka-text niya.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay pumalag na ang duda ng publiko na si Skusta Clee ang sikat na rapper na nangungulit kay Vanessa at tinatanong din kung sino ang rapper na binabanggit ng dalaga dahil ikinakabit ang isyu sa kanya.

May nabanggit kasi na mahilig ang rapper sa malaman at may isang anak. Dati kasi ay chubby si Zeinab Harake na ina ng anak ni Skusta kaya siya ang naisip ng lahat sablind item chika ni Vanessa at ang huling clue ay KOKEY Sxaucseee.

Si Skusta Clee ang tinatawag na Daddy Sauce na katunog ng Sxaucsee.

“So, biglang kambyo si Vanessa, di ba na hindi si Skusta ‘yun?” pagtatapos ng aming source.

Related Chika:
Kapatid ni AJ Raval viral na rin dahil sa blind item tungkol sa ‘rapper at pangit na cheater’

Skusta Clee hinamon si Vanessa Raval: Paki-reveal nga kung sinong ka chat mo dyan

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!