Kinabukasan Balita

Valdez walang daga sa 2 dayong koponan

TIYAK paghahandaan nina Alyssa Valdez at naghahanap ng back-to-back title na Creamline Cool Smashers ang nakatakdang pagtatapat kontra sa dalawang foreign teams na Taipei King Whale at Kobe Shinwa Women’s University sa semifinals ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Aminado ang kapitana ng Cool Smashers na marami pa silang dapat idagdag at plantsahin sa kanilang koponan kahit na madali nilang dinispatsa ang nagdaang tatlong laban kontra Choco Mucho, Chery Tiggo at Army-Black Mamba.

“We’re very excited as a team na, siguro for the first time, makakapaglaro kami against international teams,” pahayag ng three-time Conference MVP matapos walisin ang Army-Black Mamba nitong Sabado.

Nakatakdang makatapat ng reigning 2022 Open Conference champion at Finals MVP awardee ang Taipei King Whale sa Agosto 10 at Kobe Shinwa matapos ang dalawang araw sa Agosto 12.

Fajardo sakit sa ulo ng Bolts

Caperal P10K ang multa

Panlilio solid kay Reyes

Gayunpaman, hindi inaalis ng 29-anyos na Philippine national team member ang pagkakataon na makakakuha sila ng kaalaman at karanasan laban sa mga international teams na minsan ng sumabak sa bansa.

Hindi na bago para sa Kobe Shinwa ang laro sa ‘Pinas dahil minsan na nitong pinagreynahan ang Invitational Cup ng Philippine SuperLiga noong 2017, habang ang Taipei Kings ay isa sa mga top team ng Taiwan Volleyball League.

“We’re really looking forward na mas marami kaming matutunan dahil kailangan namin ng experience sa international competitions,” saad ni Valdez.

“I think as a team we really have to improve on a lot of things pa. More on cohesiveness and to lessen our errors pa so ‘yun ang mga kailangan naming i-adjust pa coming into the semifinals lalong lalo na siyempre mas tight ‘yung games and we have two foreign teams na makakalaban pagdating sa second round.” (Gerard Arce)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!