Kinabukasan Balita

Tulay gumuho: 1 dedo, 7 nawawala pa

Isa ang patay, lima ang sugatan habang pito pang kabataan ang patuloy na hinahanap matapos silang mahulog sa ilog nang gumuho ang tulay na ginagawa umanong tambayan ng mga ito sa Dasmariñas City, Cavite noong Martes ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang biktima na si John Michael Beltran, 17-anyos, habang ginagamot pa sa nasabi ring ospital ang mga biktimang sina Jeralden Pacia, Lester Neri, Generos Pacia, pawang 16-anyos; Danica Uy, 12-anyos, pawang mga residente ng Sitio Talisayan, Dasmariñas City at Lyka Briones, 18-anyos ng Sitio Nayon, Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City.

3 sama ng panahon sa PH binabantayan ng Pagasa

Pamilya ng tulak timbog sa buy-bust

Trahedya sa Taguig fluvial parade, 1 tsugi

Patuloy naman ang retrieval operation sa mga hinahanap pang mga biktima. Sa ulat ni P/MSg. Elmo Caboboy, nakaistambay umano ang mga biktima sa tulay na bakal na matatagpuan sa Tabing Ilog sa Sitio Talisayan nang bigla itong bumigay dahilan para mahulog ang mga biktima sa ilog bandang alas-nuwebe ng gabi.

Samantala, sinabi ni city administrator Ariel San Gabrie na abandonado na ang nasabing tulay dahil sarado na ang isang bahagi nito pero nadadaanan pa rin ng mga tao.(Gene Adsuara/Edwin Balasa)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!