Kinabukasan Balita

Tropa ni Bernardino babanat sa Tatluhan

SASALANG ang Thick and Thin Chess Team sa Hon. Manny D. Pacquiao at Changsuk Lyu Open Tatluhan Team Chess Tournament ngayon Linggo, Hulyo 31 sa Robinsons Galleria Mall sa Ortigas.

Ang Thick and Thin Chess Team ay ginagabayan nina National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr., magkapatid na Elizsa Gayle at Elize Caryl Cafirma, na ipapakita ang kanilang husay sa 64 square board sa seven-round Swiss system tournament.

Ang event ay suportado nina Hon. Pacquiao at Mr. Changsuk Lyu na inorganisa ni United States chess master Rodolfo “Jun” Panopio Jr.

Alex binomba Russian netter

Ardina, 2 pa balik-aksiyon

Hernangomez sinalo ng Toronto Raptors

Makikipagtagisan din ang OJ Reyes Team, Pajafers, King Nico Tire, Maya, Antipolo, Rizal, Jason Rojo Team A and B, Larry Dumadag A, B, C, D Team, AQ Prime, Big Boys, Andel Care, Team Bacoor, Ramayrat Chess Team, Wizard Manpower, Babin Smith, Ron Hermida A and B, Engr. Ingcad A, B, and C, Weapon X, Ubanan Twins, Coast Buster, RNB Knights at Rakius Dental.

Ang team champion ay makatatangap ng P30,000 plus trophy at medals, kukubra ang second placer ng P20,000 plus trophy habang ang third ay P15,000.

Magbubulsa ang fourth placer ng P9,000 plus medals habang ang fifth ay magsusubi ng P7,000. (Elech Dawa)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!