Kinabukasan Balita

Trahedya sa Taguig fluvial parade, 1 tsugi

Nasawi ang isang lalaki matapos itong malunod nang magbanggaan ang dalawang bangka sa ilog sa kasagsagan ng pagdiriwang ng fluvial parade para sa kapistahan ng lungsod noong Martes ng hapon.

Narekober ng search and rescue team ng Taguig Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay ng biktimang si Jester Romero, 30-anyos, mula sa anim na talampakan sa ilalim ng tubig malapit sa isang tulay bandang alas-sais ng umaga.

3 sama ng panahon sa PH binabantayan ng Pagasa

Tulay gumuho: 1 dedo, 7 nawawala pa

Pamilya ng tulak timbog sa buy-bust

Ayon kay P/Col. Robert Baesa, hepe ng Taguig City Police, lumahok ang biktima sa Taguig River Festival para sa pagdiriwang ng Sta. Fiesta nang magbanggan ang dalawang bangka na ikinataob ng kanyang sinasakyan bandang alas-5:40 ng hapon noong Martes.

Hindi umano ito lumutang kaya nagsagawa ng search and rescue operation ang pamahalaang-lokal. Inabot ng halos 12 oras bago natagpuan ang bangkay nito. (Betchai Julian)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!