Kinabukasan Balita

Tots pinulbos Black Mamba

Semifinals Standings
Teams W L
Creamline 1 0
PLDT 1 0
Cignal HD 0 0
Taipei King Whales 0 0
Kobe Shinwa University 0 0
Black Mamba 0 2

Mga laro bukas:
(Ynares Center Antipolo)
2:3pm — Army vs Cignal
5:30pm — Creamline vs PLDT

MABANGIS ang laro ni Diana Mae “Tots” Carlos na bumira ng 24 puntos upang pangunahan ang pagpulbos sa Army-Black Mamba Lady Troopers sa four-set na panalo 25-21, 23-25, 25-19, 25-17 para sa kanilang unang panalo sa single-round semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa Ynares Center sa Antipolo Huwebes ng hapon.

Tangan ang bagong kulay rosas na buhok sa laro, nagpamalas ang 24-anyos na dating University of the Philippines Lady Maroons opposite Hitter ng 21 atake kaantabay ang 2 blocks at isang service ace, gayundin ang nasalong 19 excellent digs para pasimulan ang kampanya sa limang laro sa semifinals.

Nakatulong ng 2022 Open Conference Most Valuable Player ang kapitana ng koponan at three-time Conference MVP Alyssa Valdez na humataw ng 18 puntos mula sa 17 atake at 1 block.

Sumuporta rin si Jema Galanza sa 12 points, 14 excellent digs at 8 excellent receptions.

Baraquiel sosyo sa 2nd

Tenorio, Caperal, Johnson multado

Chot bugbog sa ‘tiis-tiis’

Mayroon namang naiambag sina Jeanette Panaga na 10 points at Celine Domingo na may 7 marka habang namahagi ng 28 excellent sets si Julia De Guzman.

Bumanat ng 4-1 atake ang Cool Smashers sa pagtatapos ng first set mula sa reverse attack ni Michelle Gumabao at Panaga, kaantabay ang dalawang errors ng Lady Troopers upang makuha ang 25-21, kung saan rumehistro ng 16 atake ang Cool Smashers kabilang ang 2 blocks at service ace habang parehong nagtala ng tig-6 errors ang bawat koponan.

Magkasunod na puntos ang ibinigay nina Jovelyn Gonzaga at Audrey Paran para maitakas ng Army-Black Mamba ang second set sa 25-23.

Nahulog sa ikalawang sunod na pagkatalo ang Army-Black Mamba matapos yumuko sa PLDT sa unang sabak sa semifinals na pinangunahan muli ni Gonzaga sa 13 points.

Muling lalaro ang Creamline Sabado kalaban ang mainit na PLDT High Speed Hitters na may 5-game winning streak, habang susubok ng panalo ng Army-Black Mamba kontra Cignal HD Spikers. (Gerard Arce)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!