Kinabukasan Balita

Tonton Gutierrez, 2 oras na sinamahan sa dialysis session ni Manay Lolit Solis

Ang aktor na si Tonton Gutierrez ang latest showbiz personality na sumadya sa ospital para magpakita ng suporta sa patuloy na dialysis session ni Manay Lolit Solis.

Sa Instagram post ng talent manager, dalawang oras aniya na tumakbo ang kuwentuhan nila ng batikang aktor.

Napansin naman ng showbiz host ang maya’t mayang pag-check ng anak ng aktor sa ama na nasa Singapore.

“Ang ganda talaga ng relationship ng mag asawa kaya naman lumaki [na] secured at confident ang dalawang anak,” pagtukoy ni Manay Lolit sa matatag na relasyon nina Tonton at asawang si Glydel Mercado.

“Natutuwa ako dahil gusto ko talaga maging forever ang pagsasama nila. Sa kanila ko nakita ang tatag ng pagmamahal dahil kahit ano naging problema, nalagpasan nila,” ani Manay.

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Samantala, bago kay Tonton, ilang mga kilalang showbiz personality kabilang na si Kapuso star Rhian Ramos ang personal na bumisita sa veteran entertainment icon sa patuloy na gamutan nito sa ospital.

Basahin: Manay Lolit Solis, ‘talagang dusa,’ ‘di ramdam ang pag-asa sa kaniyang pagpapa-dialysis – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Agosto, naging personal si Manay Lolit ukol sa aniyang “talagang dusa” na kidney dialysis session.

Gayunpaman, patuloy itong nagpapasalamat sa mga kaibigan, at dating alaga na nagpapaabot ng tulong, pinansyal man o emosyonal, sa patuloy niyang pagpapagaling.

Edad 75 anyos na si Manay Lolit.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!