Kinabukasan Balita

Thompson dehins ‘ampalaya’ sa olats

DISMAYADO man ngunit agad tinanggap ng kasalukuyang MVP na si Scottie Thompson ang naganap na pagkatalsik ng Barangay Ginebra sa PBA Philippine Cup playoffs.

Inamin ni Thomson na nasaktan siya sa resulta ng 106-104 heartbreaker ng koponan laban sa karibal na Meralco Bolts sa kanilang sudden-death game nitong Linggo sa Mall of Asia Arena para sa huling puwesto sa semifinals.

Si Thompson ang namuno sa Gin Kings na may 26 puntos patungo sa huling 10 segundo nang tawagan siya ng offensive foul habang papaatake sa pantabla sanang basket laban kay Cliff Hodge.

“Nakaka-frustrate para sa aking sarili,” sabi ni Thomson na mayroon din anim na rebounds, tatlong assists, dalawang steals at 8-of-13 field goals. “Pero hindi ko rin alam. Wala akong masabi, breaks of the game.”

Ang kabiguan ay pumigil sa Ginebra na makapasok sa semis ng All-Filipino Conference na parehong tournament na napanalunan nito noong 2020 sa ilalim ng bubble set-up sa Clark sa Pampanga.

Train to Bicol at Mindanao posibleng madiskaril

Mika, Speed Hitters armado sa semis

Saso nag-rally, P1M kinubra

Kumpara sa kakampi at backcourt partner na si Gin Kings team captain LA Tenorio na matinding kinagalit ang tawag sa krusyal na yugto, hindi naman sinisisi ni Thompson ang pumito na game official.

“Siguro nga iba ‘yung nakita ng referee sa nakita namin. It happens. Ganun talaga ang basketball,” sabi nito.

Lubhang ikinahina ni Thompson ang naganap dahil humabol ang Ginebra mula sa 21-puntos na pagkalubog bago na lamang ang naganap na pagtatapos.

“Masakit for us kasi binigay namin ‘yung best namin and we fought hard para makabalik sa game,” sabi nito. “Pero kinulang. Ganoon talaga siguro ‘yung basketball.” (Lito Oredo)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!