Kinabukasan Balita

Tenorio, Gin Kings tigok ‘pag kumurap

Quarters Game 2 ngayon: (FilOil EcoOil Centre/San Juan)
3:00pm – Meralco vs Ginebra
6:00pm – NLEX vs Magnolia
(Bolts, Hotshots 1-0)

NAKATANAW ang Ginebra sa exit ng PBA Philippine Cup matapos isuko ang 93-82 panalo sa Meralco sa Game 1 ng kanilang quarterfinals series.

Obligadong bumawi ang Gin Kings sa Game 2 ngayong araw sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan para makahirit ng deciding Game 3.

Pinaypayan ni LA Tenorio ang Never Say Die ng Gins.

“Our backs are against the wall, but we still have one game to play,” anang veteran guard na scoreless sa 0 of 5 shooting noong huli. “We still have a chance.”

Gilas sesentro kay Clarkson

Adebayo ayaw itapon ng Heat

Draymond hihirit ng max contract

Asahan ang balikwas ni Tenorio, gayundin nina Japeth Aguilar, Stanley Pringle at Scottie Thompson.

Hindi naisalba ng 29 points, 10 rebounds ni reigning MVP Thompson ang Gins.

“Of course it’s going to be harder this time knowing sobrang eager ng Meralco na talunin kami and it showed in Game 1,” dagdag ni LA.

Hindi pinasingit ng Ginebra ang Meralco sa huling limang playoff showdowns.
Si Aaron Black ang bumitbit sa atake ng Bolts sa kinamadang 25 points.

May 19 pa si Chris Newsome, 17 kay Allein Maliksi at 10 kay Cliff Hodge. (VE)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!