Kinabukasan Balita

Take 2 sa balik-ROTC

Inilatag na mga tropapips ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kaniyang unang State of the Nation Address ang mga pangarap niya para sa mga Pinoy. Iyon nga lang, baka ilan doon eh hindi pinapangarap ng mga utaw.

Kung maganda o hindi ang laman ng SONA, depende siyempre yan sa nakikinig. Ang mga maka-PBBM, natural na “hep! hep! Hoorey! ang sasabihin sa SONA speech. Yung mga ayaw kay Junior, sasabihing “kulang” o kaya eh “malayo” sa katotohanan ang SONA na para bang “mema” lang.

Sa mga “neutral,” “dedma” at “abangers,” malamang na wait ang see lang sila kung ano o alin sa mga wish list ni Junior ang mangyayari kaagad, o aabutin ng kopong-kopong.

Tanong ng ilang ayudanatics nating kurimaw, pangarap daw ba talaga ng mga Pinoy ang mga pangarap ni Junior na laman ng kaniyang SONA? Hindi naman daw siguro “aagawin” ng pangulo ang pangarap ng mga Pinoy?

Nang tanungin ko bakit naman mang-aagaw ng pangarap si Junior, aba’y nabanggit pala ni PBBM sa inagurasyon niya ang katagang: “Your dreams are mine.” Tapos sinundan ng: “Ang pangarap niyo ay pangarap ko.”

Kung magiging mahigpit nga naman sa translation, dapat sana eh, “Your dreams are my deams.” Dahil ang tagalog ng “Your dreams are mine,” ay “Ang pangarap niyo ay akin.”

Dahil hindi naman siguro bihasa si PBBM sa tagalog, dapat bigyan ng Office of the Press Secretary ng mahusay na tagalog translator ang pangulo. Napansin din ng ilang tropapips natin na ilang beses na sinabi ni Junior sa kaniyang SONA ang “manggagawang mandarayuhan,” na tumutukoy sa mga OFW; na ang mas tamang tawag eh “migranteng manggagawa” o “manggagawa sa ibang bansa.”

‘Protektahan natin sila’

Ang ‘marginal note’ ni FVR

Benepisyo para sa mga barangay official

Pero kung ganda ng laman ng plano ni Junior, aba’y maraming maganda. Iyon nga lang, marami siguro ang hindi solve sa usapin ng dagdag na buwis, gaya ng VAT sa digital transaction.

May mga naghahanap din ng malaman na sasabihin tungkol sa kalikasan gaya ng tungkol sa mapanirang pagmimina. Gaya ng nangyayari ngayon sa Sibuyan, Romblon na marami ang tumututol at dapat sigurong bigyan ng pansin ng DENR.

Malamang hati rin ang pananaw ng mga utaw, lalo na ang mga magulang tungkol sa pagbabalik ng Reserved Officers Training Corps (ROTC) program na inalis noong 2002. Bakit inalis noon? May estudyante kasing pinatay matapos na magsumbong tungkol sa nangyayaring katiwalian sa ROTC.

Kaya ang pangamba ng iba, bukod sa dagdag gastos sa uniporme ng mga estudyante, baka bumalik ang pang-aabuso at katiwalian–at baka may mangyari pang hazing. Pero mayroon din pabor para dapat maarawan ang mga kabataang babad sa kalalaro ng online games.

Sabagay, kaysa mag-imagine ng giyera at patayan sa online games, baka matuto sila ng disiplina at pagsalba ng buhay sa ROTC. Kaya dapat pag-aralang mabuti kung ano ang mga safeguard na dapat ilagay kung talagang ibabalik ang ROTC.

Iyon nga lang, baka mangyari ulit ang nangyari noon kay dating Pangulong Digong Duterte, na nagbusina rin noong bago pa lang siya sa Palasyo na nais niyang ibalik sa ROTC.

Napapansin daw kasi noon ni Mayor Digong na nagiging adik ang mga kabataan at nawawala ang pagiging patriotic. Iyon nga, hanggang sa natapos ang termino niya nitong June 30, hindi niya naibalik ang ROTC. Kaya ngayon, abangan natin sa take 2 ang the return of ROTC. Laging Tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy nyo”

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!