Kinabukasan Balita

Sylvia gusto nang magka-apo: ArMaine engagement nagpaulan ng kilig, luha

Ano bang meron sa July 28?

Well, July 28, 2013 noong mag-tweet si Maine Mendoza ng ‘Arjo cutie’.

At July 28, 2018 noong magkita, magkakilala raw ang dalawa sa story conference ng pelikulang ‘Jak en Popoy’ kasama sina Vic Sotto, Coco Martin.

At siyempre, July 28, 2022 ang pasabog na ‘will you marry me?’ ni Arjo kay Maine.

Ang bongga ng ‘Wait, whaaaat??? We’re engaged’ tweet ni Maine, ha!

Kitang-kita nga sa video na pinost ni Mark Nicdao ang pag-iyak ni Maine sa paandar ni Arjo.

At yes, nagbunyi ang mga taga-showbiz, na finally, may bagong couple na naman ang magpapatunay, magpapatibay ng pagmamahalan.

Pamatay rin naman kasi sa kilig ang paandar ni Arjo, di ba? Na matinding preparasyon, set up, na ginastusan, pinagtulungan ng lahat ng mahuhusay sa ganitong event, ang proposal na `yon.

Ang fireworks pa lang, matapos alukin ni Arjo si Maine ng kasal, talagang kikiligin ka na, at maiiyak ka sa tuwa.

Pero siyempre, pinaka-inaabangan din ng marami, bukod sa mensahe ni Alden Richards, ay ang mensahe ng pamilya ni Arjo, mula sa nanay niyang si Sylvia Sanchez, at sa sister niyang si Ria Atayde.

Heto nga ang mensahe ng mag-ina:

Ria Atayde: “You’ve always been Mister Grand Gestures @arjoatayde. But I think among all you’ve done, this has got to be my most favorite. And I think among all the many changes we welcomed in our lives this year, this has got to be the best. So excited to officially welcome you into the family @mainedcm stay happy and in love! Congratulations to the two of you.

“Extreme gratitude on behalf of my brother to the team that made this possible @amandagtirol @gideonhermosa @bobnicolas @niceprintphoto @lizzzuy @mrdavidmilan @markednicdao @celestetuviera @juansarte @jacquicara @juancarlocaterer.”

Ruffa madrama sa ‘Maid In Malacanang’

Nancy ng Momoland gandang-ganda kay Liza

‘Wag sisihin si Alden’ AlDub Nation nag-iyakan,…

Sylvia Sanchez: “He asked Her and She said, yes!!!

“Finally!! Welcome to the family, Maine. Thank you for loving my son.
Love you Nak.

“I promise that I will take care and love you as my own Daughter.

@arjoatayde @mainedcm #Armaine Happy morning.”

Well, sa mga chikahan kay Sylvia noon, inamin naman niya na gusto na rin niyang madagdagan ang kanilang pamilya. Na gusto na rin niyang magka-apo, ha!

TVJ, Coney nag-reunion sa Eat Bulaga

Siyanga pala, Sabado (July 30) ay nag-celebrate ng 43rd anniversary ang Eat Bulaga. Kumpleto nga sina Tito, Vic, & Joey sa studio. At bonus na kasama pa nga si Coney Reyes, ha!

At yes, after 2 years nga, may audience na sa loob ng studio. Na of course, dumaan sa safety protocols, na may pa-swab test muna bago makapasok sa studio ng Eat Bulaga.

Ramdam na ramdam mo nga ang pagka-miss nilang apat (TVJ, Coney). Ang dami ring naaliw sa pagbabalik ng ‘Bulagaan’ na kung saan ay si Coney nga ang teacher, kasama si Ryzza Mae Dizon, si Tito ang principal, at mga estudyante ang lahat ng dabarkads.

Tungkol sa ‘love’ ang tanungan nila. At tulad noon, may production number muna ang mga team, pero this time nga, mala-TikTok ang dating.

At siyempre, sobrang tukso ang ginawa nina Bossing, Joey, Tito kay Maine.

“Usapang love, uuuuyyyyyyy, ang ‘Daddy’s Gurl’ ko magle-level up na. Engaged na. Congratulations!’ sabi ni Vic.

Nakitukso na rin si Coney kay Maine, na sabi nga niya, nakatrabaho niya si Arjo, at magaling ito.

Anyway, dahil alam naman na may pinagdadaanan si Alden ngayon, wala siya sa Eat Bulaga.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!