Kinabukasan Balita

Speedy trial sa Ateneo shooting hinirit ng pamilya Furigay

Umaasa ang pamilya ng pinaslang na si dating Lamitan City Mayor Rosita Furigay na matatapos sa loob ng anim na buwan ang paglilitis ng korte laban sa suspek sa krimen na si Dr. Chao-Tiao Yumol.

Ayon sa abogado ng mga Furigay na si Atty. Quirino Esguerra, hindi dapat lumagpas sa anim na buwan ang magiging paglilitis sa kaso kung mahigpit na susundin ng Quezon City Regional trial court ang pinakahuling circular ng Supreme Court kaugnay sa pagsasagawa ng speedy trial.

“We will prosecute him to the fullest and ensure his conviction considering again his admission in national television and radio that he committed those crimes,” ani Esguerra.

Alert level sa Taal ‘di pa kailangang itaas – Phivolcs

33 toneladang ebak ng manok sumabog

Barko na may kargang droga yari sa PNP

Aminado si Esguerra na dahil sa kawalan ng abogado ay hindi tinatanggap sa korte ang pag-amin ni Yumol na binaril at pinatay niya si Furigay sa loob ng Ateneo de Manila Univeristy (AdMU) noong Hulyo 24 na ikinasawi rin ng assistant nito at guwardiya ng unibersidad.

Gayunman, boluntaryo aniya ang pag-amin ni Yumol at nakahanda na sana itong lumagda sa extrajudicial confession pero bina­wi niya ito kinalaunan.

Nahaharap si Yumol sa tatlong bilang ng murder, frustrated murder, maliscious mischief, illegal possession of firearms at paglabag sa anti-carnapping law.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!