Kinabukasan Balita

‘So professional, napaka-gentleman,’ sey ni Kylie Padilla para kay Gerald Anderson

Ibinahagi ng aktres na si Kylie Padilla kung paano nga ba kasama sa trabaho ang aktor na si Gerald Anderson.

Sa Instagram story ni Kylie, masayang nagsagawa ang aktres ng Q&A session para sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay at isa nga sa tanong na sinagot ng aktres ay kung kumusta katrabaho si Gerald.

“How’s working with Gerald Anderson?” Usisa ng isang netizen.

“So professional. Napaka gentleman. Also, husay umarte. It was just an honor to watch him work,” tapatang sagot ni Kylie.

A post shared by Mavx Productions Inc. (@mavxproductions)

Ito ang unang pagkakataon na makakatambal ni Kylie si Gerald para sa upcoming film na ‘Unravel,’ sa prinoduce ng Mavx Productions Inc.

Ayon sa Mavx Productions Inc., gaganap si Kylie bilang “Lucy” at “Noah” naman si Gerald.

Sa isang Instagram post, nag-upload ng larawan ang Mavx Productions Inc. na magkasama ang dalawa na may caption na “u did it guys! @andersongeraldjr @kylienicolepadilla Thank you for this wonderful experience @outdoorinterlaken.”

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!