Kinabukasan Balita

Skusta Clee yarn? Vanessa Raval sinupalpal babaerong rapper

Sino nga kaya itong sikat daw na rapper na tina-target ngayon ang anak ni Jeric Raval na si Vanessa Raval?

Sunod-sunod ang post ni Vanessa sa kanyang Facebook account tungkol sa isang rapper na aniya’y feeling pogi na pumoporma sa kanya.

Kung magma-Marites na lang tayo, heto ang mga binigay ni Vanessa na clue. Nagsisimula ang pangalan sa letrang D. Sikat daw. May anak na kaso iniwan lang. Pangit. Cheater. Nagkatulo na noon.

Ang karamihan ng mga hula ng mga netizen, si Skusta Clee diumano ito. Na kilala rin bilang Daryl Ruiz.

Lalong tumugma ito nang mag-post si Raval ng screen shots ng convo nila ng rapper. Sabay block niya rito pero tinakpan niya ang name. Ang natira lang, “Da”.

At tila nga nagsasagutan sila sa bawat post sa kani-kanilang accounts.

“Asa naman,” post ni Daryl.

“Pano aasa sayo? E hindi ka nga maasahan. Wala ka kasing bay*g,” ayon naman sa isang post ni Vanessa.

Nag upload pa si Raval ng video about it.

“Meron kasing isang rapper na napakakulit. ‘Yung nai-issue na siya dahil sa pagiging babaero niya eh hindi pa rin nadadala.

“Hindi ako kagandahan, hindi ako maputi, hindi ako sexy. Pero hindi naman sapat na dahilan ‘yon para pakisamahan or sakyan ‘yung gusto mo ‘di ba. May taste pa rin naman ako.

Billy sasabak sa France dance contest

Regine babalik sa ‘Magandang Buhay’

Aminadong laos na: RR Enriquez ‘di ‘magpapasawsaw’ kay…

“Pass sa cheater na panget.

“Kasikatan? Hindi ko kailangan ng kasikatan. Kung kailangan ko ng sikat na tao andyan ang tatay ko. Siguro naman mas sikat sa’yo ang tatay ko.

“Hindi ko trip kumain ng pagkain na pangit ang lasa. Maganda lahi ng tatay ko, hindi ako sa nagmamayabang. Pero kung sa’yo, pass, okay? litanya ni Raval.

Payo niya sa mga babae na popormahan ng tinutukoy niya, mahalin ang sarili at maghanap ng matinong tao na aakuin kapag nabuntis at hindi iiwan na lang.

“Pag wala nang choice pangalan ko na gagamitin. Aasim nyo uy,” ayon naman sa isang post ni Skusta.

Nag-FB stories din si Skusta kung saan kumakanta ito ng may linyang “Sabay-sabay nating isigaw! Ang sarap maging single!”

Samantala, sa FB stories ni Vanessa, kanta naman ni Skusta Clee ang ginamit niya. Ang kaso, pinalitan niya ang ibang lyrics ng salitang “Pangit”! Hahaha!

“Hoy hindi si Skusta yan. Hindi ako nag name drop. LOL basta sana mag focus nalang sya sa anak nya. Or bago niyang bayaran na jowa,” post pa ni Vanessa.

Pero ang mga netizen, si Skusta Clee talaga ang itinuturo.

Aliw na aliw naman ang mga netizen kung paanong supalpalin ni Vanessa ang babaerong rapper. (Batuts Lopez)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!