Kinabukasan Balita

Sisteraka ni AJ Raval umaming ‘scripted’ ang pasabog laban sa sikat na rapper

Jeric Raval, AJ Raval, at Vanessa Raval

ILANG araw nang ini-enjoy ni Vanessa Raval ang limelight dahil sa post niya sa social media tungkol sa isang sikat na rapper na nangungulit sa kanya pero hindi niya type.

Nasulat namin dito sa BANDERA kamakailan na “scripted” ang paglantad ni Vanessa pati na ang mga pinagsasabi niya para pagtakpan ang tsikang buntis ang kapatid niyang aktres na si AJ Raval.

Inamin niya ito kailan lang at sinabing sinadya niyang mag-ingay para mabaling sa kanya ang atensyon ng tao.

Aniya sa kanyang Facebook post, “Gumawa ako ng issue para patahimikin sarili mong issue at sakin na lang magalit ang lahat ng tao. Bandang huli, itatanggi moko.  ‘Wag kang mag alala mahal pa rin kita.”

Ang sinasabing itinanggi si Vanessa ng kapatid niyang si AJ ang dahilan kaya siya umaming scripted ito.

Base sa post ni AJ sa kanyang Facebook account kagabi, “I am speaking on behalf of my family whose name is being dragged regarding the circulating issue involving Vanessa.

“Please stop dragging my name in this issue that I have nothing to do with. Especially my father na umaako ng pressure dahil sa name na dala ni Vanessa.

“We may share the ‘Raval’ name, pero hindi ko s’ya nakasamang lumaki, hindi rin kami close. We are very civil pag nagkikita at times, but there is nothing special about it, dahil mas close ako sa mga kapatid ko sa nakalakihan kong mother (Holiday), ‘yung mga brother and sister ko sa kanya ang nakasama ko lumaki and not with Vanessa.

“We are utterly affected about the circulating issue kahit wala kaming kinalaman.

“Again, we have nothing to do with it. Labas kaming lahat sa issues ni Vanessa.

“Ganoon din sa akin, Labas din po lahat ng family members sa bawat issue na dumadating sa akin.

“Ako na po himihingi ng Pasensya sa lahat ng naapektuhan at na damage lalo na sa Hiphop Industry,” paliwanag pa ni AJ.

Pero mabibilis ang netizens dahil may inilabas silang TikTok video na sumasayaw ang magkapatid na AJ at Vanessa kaya paano raw nasabi ng sexy star na hindi sila close.

So, ano kaya ang gimik ng magkapatid? Pampaingay lang ba ito para sa pelikula ni AJ?

Related Chikas:

Vanessa Raval ‘scripted’ nga ba ang pag-iingay sa socmed para pagtakpan si AJ?

Skusta Clee hinamon si Vanessa Raval: Paki-reveal nga kung sinong ka chat mo dyan

AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!