Kinabukasan Balita

Silent hero ng mga team

MALINAW na malinaw na Barangay Ginebra Gin Kings talaga ang maraming fans sa PBA, talagang kapag may laro sila, asahan mo na punong-puno rin ang venue.

Kung iisipin mo, mas mahirap talaga kalaban ang Ginebra dahil sa dami ng suporta na nakukuha nila lalo sa live games.

Pero bukod sa players, coaching staff, siyempre nariyan ang utility, ang mga ball boy. Ang masasabi natin, malaking parte sa tagumpay ng bawat team.

Sa Sportalakan, nakapanayam ko ang isa sa ball boys ng Ginebra na si Kuya Junjun Atienza.

Nakakatuwa ang kwento niya, mula kay Pres. Erap pa siya parte ng team. Ang tagal na, ilang presidente na ang nadaanan niya, ilang seasons na ng PBA, nasa Ginebra pa rin siya. Ayon sa kanya, iba mag-alaga ang management nila.

Halata naman ‘di ba? Sino ang tatagal sa trabaho kung hindi naman maayos ang trato sa’yo? Kaya etong si Kuya Junjun, alagang-alaga rin niya ang mga player ng Ginebra, nabanggit din nito na naranasan na niya ang pagiging galante ng import na si Justine Brownlee.

Dagdag pa ni Kuya Junjun, paborito ni Brownlee ang kanyang kinilaw na tuna, eto raw aniya ang laging hanap ng import sa tuwing nandito sa bansa. Taray ‘di ba? Sanay ang tiyan ni Brownlee sa hilaw.

Dragic talon sa Chicago

PacBoy uupak uli sa Amerika

Soto nabingwit ng San Diego

Pero sa totoo lang, isa rin talaga sa dapat bigyan ng halaga ang mga utility staff ng mga koponan. Ibang klase ‘yung sipag nila sa trabaho, all around sila.

Lahat ng pwedeng gawin para mapagaan ang lahat, gagawin nila ‘yun. Kahit wala na yata sa job description nila, kaya pa rin nilang gawin para sa team. Ibang klase ang dedikasyon na meron ang mga ito.

Para sa akin, hindi masasabing buo ang koponan kung wala ang mga ito. Meron sa kanila, sa team na tumanda, at kitang-kita na talagang alagang-alaga din sila mga kumpanya kung saan sila kasama.

Ako mismo mga Ka-Abante, may mga kaibigan akong staff ng mga team. Nakakakwentuhan ko sila at nakikita ko rin kung paano sila magtrabaho lalo na sa ensayo, para sa akin, mas mabigat trabaho nila kapag nasa ensayo kasi talagang doon all around sila.

Hanga ako sa kanila, hanga ako sa trabaho na ginagawa nila para sa team. Malaki rin ang sakripisyo nila talaga, parang mas marami pa nga silang oras sa trabaho kesa sa personal na buhay nila. Pero ganoon talaga, kaya sila minamahal pabalik ng trabaho nila dahil grabe din naman talaga ‘yung pagmamahal na ibinibigay nila rito.

Saludo talaga ako sa kanila, kaya magaan ang loob ko sa kanila. Kahit ako mismo nakakaranas ng serbisyo nila, nararanasan ko rin ang pag-aasikaso nila, kaya talagang nakabuo ako ng pagkakaibigan sa kanila. Isa sila sa mga dapat bigyan ng respeto sa liga, sila ‘yung mga tao na hindi masyado napapansin ng iba pero para sa akin sila ang may isa sa pinakamalaking ambag sa bawat tagumpay ng mga koponan na ating hinahangaan.

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan. Salamat po at God bless!

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!