Kinabukasan Balita

Sepulturero, arestado dahil sa paggamit ng iligal na droga

Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan — Arestado ang isang sepulturero matapos mahuling gumagamit ng iligal na droga sa loob ng isang sementeryo sa Brgy. Maura, Aparri, Cagayan.

Naaresto ng Aparri police ang suspek na si Garry Yordi, 38, bandang 10 ng gabi at nakumpiska ang tatlong heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, isang nakabukas na sachet na may timbang na humigit-kumulang .07 gramo, tatlong transparent plastic sachets na may residue, at drug paraphernalia. 

Dinala na si Yordi at ang mga nakalap na ebidensya sa Aparri police station. 

Samantala, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!