Kinabukasan Balita

Sen. JV, inunahan malisyosong netizens tungkol sa litrato nila ng sekretarya niya

Kaagad na sumalag sa mga malisyosong bashers si Senador JV Ejercito sa pamamagitan ng paglalagay ng “disclaimer” na inaanak niya ang babaeng nakaakbay sa kaniya sa ibinahagi niyang litrato sa social media, na siya ring appointment secretary niya.

Sa isang buradong komento ng netizen, kinuwestyon nito ang pag-akbay ng naturang babae sa kaniya. Bagay na pinalagan naman ng senador at sinabing ‘wag itong bigyan ng malisya dahil inaanak niya ito.

“Meet my appointment secretary, Meg Aviles. Baka siya naman sumunod na machismis! She is my inaanak pala take note,” ani Ejercito.

Matatandaang pinabulaanan na ng senador ang mga kumakalat na tsikang nabuntis niya ang kaniyang Chief of Staff.

“A big lie! Wag kayo gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao. Nanahimik kami ang nagtatrabaho wag kami idamay sa ganyang chismis,” tugon naman ng senador.

Sa isa pang tweet, muling pinagdiinan ng senador ang maling balitang ito. Huwag daw sanang idamay ang mga nananahimik na indibidwal. Silang mga politiko ay sanay umano sa mga intriga kaya maawa naman daw sa kaniyang chief of staff.

“Hay naku this particular circle spreading fake news of a ‘scandal’ of me & my chief of staff this time, nung una yung EA ko na si Chen.”

“Kaming pulitiko sanay sa ganito, please wag niyo idamay mga taong walang kinalaman at may mga pamilya.”

“Kawawa naman sila.”

“Be responsible.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/14/sen-jv-ejercito-iniintrigang-nabuntis-ang-chief-of-staff/

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!