Kinabukasan Balita

Sen. Grace Poe, dinalaw ang puntod ng kaniyang Mama Susan sa kaarawan nito

Isang Banal na Misa ang inialay para sa kaarawan ng yumaong “Queen of Philippine Movie” Susan Roces, nitong umaga ng Huwebes, Hulyo 28, 2022.

“Sama-sama nating alalahanin ang ika-81 anibersaryo ng kaarawan ni Susan Roces sa pagdiriwang ng Banal na Misa ngayong darating na Huwebes, Hulyo 28, sa ganap na ika-10 ng umaga,” ayon sa Facebook post ng kaniyang anak na si Senadora Grace Poe.

Napanood sa social media platforms ng senadora ang Banal na Misa para sa ika-81 sanang kaarawan ni Susan, na pinangunahan ni Father Jerry Orbos.

Pagkatapos ng misa ay dumalaw si Poe sa puntod ng kaniyang mga magulang sa Manila North Cemetery.

“I miss you both but I can imagine you celebrating Mama’s birthday, together now,” saad sa caption ni Poe. Makikita ang pagbibigay-pugay ni Poe sa kaniyang mga magulang sa pamamagitan ng pagtutulos ng kandila.

Pumanaw ang beteranang aktres noong Biyernes, Mayo 20. Naiwanan niya ang teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na malapit na ring mamaalam sa ere.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/20/showbiz-icon-susan-roces-pumanaw-na/

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!