Kinabukasan Balita

Sandara Park kay Manay Lolit: ‘Get well soon para magkita ulit tayo sa Korea’

Nagpaabot ng mensahe ang Pinoy at heart at Kpop star na si Sandara Park sa talent manager na si Manay Lolit Solis na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Sa isang Instagram update, Lunes, ibinahagi ni Manay Lolit nag maikling mensahe sa kaniya ni Dara.

“Hello po, Nanay Lolit, si Sandara po ito. Please get well soon para magkita ulit tayo sa Korea, okay?” saad ni Dara.

Basahin: Manay Lolit Solis sa kaniyang followers: ‘Pray for my recovery, ang hirap ng may sakit’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ikinasaya naman ito ng 75-anyos na showbiz commentator.

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Bongga talaga si Sandara na kahit sa Korea talagang naging mabait sa atin. Kaya nga hangang-hanga ako sa kanya dahil mas mabait pa siya kesa ibang celebrities eh international ang standing ni Sandara,” sey ni Manay Lolit.

Balik-bansa kamakailan si Sandara na naging guest pa sa Kpop Masterz in Manila 2022 noong Biyernes, tampok ang grupong Treasure, at ang GOT7 members na si Bambam at Jackson Wang

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!