Kinabukasan Balita

San Miguel, nangisay sa Meralco Bolts

Kahit natalo ng Meralco Bolts, 89-86, sa kanilang laban sa PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi, nakapuwesto pa rin sa tuktok ang San Miguel Beer sa rekord na 9-2 panalo-talo.

Tuluyan namang nakapasok sa quarterfinals ang Bolts dahil sa kartadang 6-4.

Sa huling bahagi ng laban, hindi napigilan ng San Miguel ang mga buslo ng Meralco hanggang sa makuha ng huli ang panalo.

Si Chris Newsome ang nanguna sa Meralco, tampok ang 16 puntos nito, limang assists at limang rebounds.

Nag-ambag din kay Newsome sina Allein Maliksi na nakaipon ng 18 puntos, at Aaron Black (15 puntos).

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!