Kinabukasan Balita

‘Saan ka ngayon?’ Ms. Manila, hinahanap ng mga netizen matapos mag-1st runner-up ni Herlene Budol

Hinahanap na ngayon ng mga netizen si “Ms. Manila” o Alexandra Abdon matapos hiranging “Binibining Pilipinas 1st runner-up” ang Kapuso comedienne na si Herlene Nicole “Hipon Girl” Budol, na sinabihan niya noon sa isang show, na hindi ito kuwalipikadong maging kandidata sa isang national beauty pageant.

Nagtataas ng kilay ngayon ang mga Marites kung ano kaya ang reaksiyon at sey ngayon ni Abdon ngayong titulada na si Budol, kahit first-timer pa lamang nito. Bukod kasi sa pagiging 1st runner-up ay hakotera din ang kandidata sa special awards.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/01/herlene-hipon-girl-budol-naghakot-ng-special-awards-sa-binibining-pilipinas-2022/

“Kahit magpa-pageant ang nanay ni Hipon sa bahay nila, hindi siya qualified,” pahayag umano ni Ms. Manila ukol kay Herlene noong Disyembre 18, 2020.

“Yung standards, yung qualification, medyo tagilid tayo do’n,” dagdag pa nito.

Sa pagsali at paghakot ng awards ni Hipon Girl, tila sampal daw ito kay Ms. Manila ngayon, lalo na ang kaniyang sinabi sa Q&A portion.

“Para sa akin, isang karangalan na nakatungtong dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibini na hindi inaasahan, para sa akin, ang sarap pala mangarap. Walang imposible. Isa pong komedyante na laki sa hirap. At ang aking transpormasyon ay magbigay ng inspirasyon,” ani Herlene.

“Because I know for myself that I am beautiful, that I am uniquely beautiful with a mission,” singit pa niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/01/herlene-budol-walang-kiyemeng-gumamit-ng-wikang-filipino-sa-qa-portion/

Samantala, napansin ng mga netizen na wala nang posts ang Facebook account ni Abdon at nakaprivate naman ang kaniyang Instagram.

Ang huling tweet naman niya ay noong Hunyo 16.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!