Kinabukasan Balita

Ryzza Mae Dizon wala raw ‘utang na loob’, hindi nagpasalamat kay Lolit Solis

Ryzza Mae Dizon wala raw 'utang na loob', hindi nagpasalamat kay Lolit Solis

USAP-USAPAN ngayon si Ryzza Mae Dizon matapos i-ispluk ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang pagtira nito nang libre sa kanyang condo unit.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ng talent manager ang kanyang nakakalokang revelation uko sa isa sa mga host ng “Eat Bulaga”.

“Ayoko sana IG ito pero hindi ko lang matiis malaman kung ano magiging sagot, Salve. Alam mo ba na tumira ng halos 1 year na libre sa condo unit ko si Ryzza Mae ng Eat Bulaga dahil kay Malou Fagar?” kuwento ni Manay Lolit.

Aniya, sa kabila raw ng kanyang ginawa para sa dalaga ay tila nakalimot na ito at hindi na siya naalala.

“Pero never nakaalala bumati ng birthday o Christmas. Never man lang nag thank you, kaloka ha. At ngayon nga, never man lang nagparamdam na kumustahin ako, bongga. Para bang utang na loob ko pa na tumira siya ng libre sa condo unit ko ha,” pagpapatuloy ni Manay Lolit.

Ayaw naman daw sana niyang manumbat kay Ryzza Mae pero naalala lamang niya ito matapos mapanood ang dalaga.

“Ayaw ko isumbat, naisip ko lang bigla kasi napanuod ko siya. Meron pala ganuon tao hindi naalala mga bagay na nagawa mo sa kanila, basta ganuon lang, parang hangin dumaan,” chika pa ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, “Ok lang, wala naman problema, malay mo one day ako naman makitira sa bahay ni Ryzza Mae hah hah hah, as if.”

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang dalaga ukol sa post ni Manay Lolit.

Matatandaang nakilala si Ryzza Mae matapos itong manalo sa “Little Miss Philippines” ng “Eat Bulaga” noong 2012.

Tinagurian rin siya bilang “Aling Maliit” at siya rin ang pinakabatang artista na nagkaroon ng sariling TV show na “The Ryzza Mae Show” sa edad na 6.

Related Chika:
Dream house ni Ryzza Mae Dizon under construction na!

Ryzza Mae kinakarir ang fitness journey: Siyempre nagdadalaga na po ako at para magkaleeg na rin

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!