Kinabukasan Balita

Richard Gomez sa mga artista ngayon: ‘Masuwerte sila kasi ang lakas na ng social media’

Nagbigay ng payo ang batikang aktor na si Richard Gomez sa mga artista ngayon.

Sa vlog ni Ogie Diaz na umere noong Setyembre 15, napag-usapan ang tungkol sa naging buhay ni Goma noong artista pa siya. Kung paano siya nagsimula at nakilala. 

Dahil dito, nagbigay siya ng payo sa mga artista ngayon. 

“Masuwerte sila kasi ang lakas na ng social media. There’s so many ways of earning money. So ‘yung pagkita nila ng pera number 1 talaga ipunin talaga nila ‘yun,” ani Goma.

“Seryosohin talaga nila nang mabuti ‘yung trabaho. It’s a beautiful job. Ang sarap ng trabaho ng showbiz and hindi lahat ng tao na gusto mag-showbiz, nagbibigyan ng magandang pagkakataon. 

“Lalo na ‘yung mga bata na sikat na, alagaan n’yo talaga ‘yung career n’yo, ‘yung personality n’yo, bantayan mo talaga kung sino ‘yung mga kabigan mo, ‘yung paligid mo. Take care of yourself and your family,” paglalahad pa ng aktor.

Ayon pa sa kanya, kailangan seryoso ang mga artista ngayon sa mga ginagawa nila dahil dito magkakaroon ng direksyon ang kanilang career.

“Seryosohin mo ‘yung trabaho mo. It’s a serious job and it takes a lot of thinking. It takes a lot of emotions to be an actor. Tapos kailangan, marunong kang makisama sa tao. Kailangan talaga, seryoso ka sa ginagawa mo. Always take it to heart. Lahat ng gagawin mo, lahat ng papasukin mo, do your best all the time,” ani Gomez.

“Be responsible, dapat seryoso. Kasi number 1, ‘pag gusto mo ‘yung ginagawa mo, you always give your best all the time. ‘Pag seryoso ka may direksyon, eh. tsaka ‘pag may responsibility ka, inaalagaan mo lahat ng ginagawa mo,” dagdag pa niya. 

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!