Kinabukasan Balita

Resignasyon ni Chot tinanggihan ng SBP

HINDI tinanggap ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagbibitiw ni national coach Vincent “Chot” Reyes sa mismong pagbabalik ng Gilas Pilipinas mula sa nakakadismayang kabiguang maipagtanggol ang bitbit na gintong medalya na inagaw ng karibal na Indonesia sa nakalipas na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Inihayag mismo ni SBP President Al Panlilio na agad na nagbitiw sa kanyang puwesto bilang Project Director at head coach si Reyes matapos umuwi ang Gilas Pilipinas na hawak ang medalyang pilak subalit hindi ito tinanggap ng asosasayon sa basketball sa bansa.

“He has [submitted a resignation letter] after the SEA Games but it is not his fault,” sabi ni Panlilio.

Gilas sesentro kay Clarkson

Tenorio, Gin Kings tigok ‘pag kumurap

Adebayo ayaw itapon ng Heat

“I think there are a lot of issues that we have to address for him to support him even better. We did not accept his resignation and we are here to support Chot all the way now that Tim [Cone] is coming in, Nenad [Vucinic] also there, and also Goldwin [Monteverde] helping out,” sabi pa ni Panlilio.

Ipinagpasalamat naman ni Reyes ang suporta mula sa SBP at iginiit na itutuloy ang ipinagagawa sa kanya maging head coach ng Gilas Pilipinas patungo sa 2023 FIBA World Cup matapos magbitiw si Tab Baldwin.

Samantala’y inihayag ni Reyes na nakatakdang dumating sa bansa ang NBA Sixth Man of the Year at Utah Jazz guard na si Jordan Clarkson sa Agosto 15 upang makasama ang bubuo sa pambansang koponan na sasabak para sa FIBA Window sa Agosto 25 at 29. (Lito Oredo)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!