Kinabukasan Balita

Ramdam lungkot sa IG: Gerald, Julia pinagdududahang hiwalay na

‘May pinagdaraanan ba sina Julia Barretto, Gerald Anderson ngayon?’

‘Yan nga ang tanong, duda ng mga ‘Marites’ at dahil ‘yon sa mga photo na pinu-post ng dalawa.

Kung ang pagbabasehan kasi ay ang mga posting ni Gerald sa Instagram, puwede namang sabihin na buo pa rin talaga ang ‘romansa’ nila ni Julia.

Di ba nga, magkasama pa sila sa Thailand dalawang linggo na ang nakalilipas. Pero, ang tanong lang, bakit daw hindi nasisilip `yon sa IG ni Julia? Bakit kay Gerald lang?

At lalo pa ngang nag-isip, nagduda ang mga ‘Marites’ dahil hindi nga magkasama ang dalawa ngayon.

Si Gerald ay nasa Switzerland at nagsyusyuting with Kylie Padilla. Si Julia ay nasa Singapore.

Ito ang ginawang basehan nang mga marites para pagdududahan ang stability ngayon ng relasyon ng dalawa.

Lalo na sa photo ni Gerald na nakaupo ito at nakaharap sa lake, na binigyan agad ng kahulugan ng mga ‘Marites’. Kanya-kanya silang hinala, duda, interpretasyon:

@iam_obnoxia, “It’s happening. Again.”

@jesskhonghun, “He looks biglang tumanda and parang hindi siya happy. May lungkot sa mukha niya.”

@micorazon1135, “Why alone in a very romantic and scenic country?”

May mga nagtutulak kay Gerald na kesyo mas bagay ito kay Ivana Alawi, leading lady niya “Family Affair” ng Kapamilya network.

@tengsantos221, “I think you are perfect for Ivana. You are a very loving son, you love your Dad regardless of what he can give you. Same thing with Ivana, she loves her family, she loves her parents unconditionally.”

Anyway, naka-follow pa rin naman sa Instagram sina Gerald at Julia sa isa’t isa. Pero, may malisya pa rin sa mga fan ang hindi raw pagla-like ng dalawa sa mga photo ng isa’t isa.

Eh, puwede naman sigurong isipin na sobrang busy lang nilang dalawa, na hindi naman kailangan ilantad sa social media ang mga ginagawa nila para sa isa’t isa, di ba?

Ruffa madrama sa ‘Maid In Malacanang’

Nancy ng Momoland gandang-ganda kay Liza

‘Wag sisihin si Alden’ AlDub Nation nag-iyakan,…

Push ng mga faney: Ivana mas bagay na Mrs. Anderson

Ininggit na naman ni Ivana Alawi ang mga fan sa YouTube channel niya, dahil hayun nga at nagtapon siya ng mahigit P100K para sa challenge.

Hindi nga lang kasama ang mga subscriber sa game, kundi ang pamilya, Sinalang ni Ivana ang kanyang pamilya, kasambahay sa CR challenge.

Na kung sino ang tatagal ng buong gabi sa CR nang walang labasan ay wagi ng P100K. Sa banyo nga sila kumain, umihi, dumumi lahat para hindi matsugi.

Nagpain muna ng P10K si Ivana sa gusto nang lumabas, na kinagat ng isang kasambahay. Sumunod din si Hash na hindi kinaya na hindi kausapin ang kanyang dyowa sa phone. Pero ang totoo, si Ivana pala ang tumawag kay Hash. At sa pag-alalang baka magalit ang girlfriend, lumabas si Hash, na kinaloka nga niya dahil si Ivana pala ‘yon.

Nagparaya naman si Moana para sa mommy niya na gusto niyang manalo. At yes, ang nanay nga nila ang nakasungkit ng P100K.

Anyway, isa ito sa mga katangian ni Ivana na gusto ng mga fan, ang pagmamahal sa pamilya. Kaya siguro pinu-push sila ni Gerald, dahil pareho nga raw ang dalawa na mahal nila ang kanilang mga magulang.

Sabi nga nila, mas bagay raw maging Mrs. Anderson si Ivana, ha!

Vice Ganda namayagpag sa Korea

Hindi tinigilan ni Vice Ganda ang pagpapasalamat sa kanyang mga fan sa Twitter, dahil sa effort ng mga ito na makarating ang komedyante sa Korea, na hindi kailangang mag-travel.

Nagsanib-puwersa ang mga tagahanga ni Vice para manguna sa botohan at mailagay ang komedyante sa LED billboard ng ‘Idol Pick’ sa commercial district sa Namdaemum, Seoul Korea.

Pinoste ng mga fan ni Vice ang tagumpay nila, sa video ng billboard kung saan pinakita si Vice kalakip ang detalye ng pagiging sikat nito sa Pilipinas.

Sabi ng mga fan, binuhos nila ang kanilang power para mapasaya ang idolo. Nagpasalamat siyempre si Vice sa kanyang mga “little ponies”.

Unang lumabas si Morissette Amon sa naturang billboard ilang buwan na ang nakakaraan, dahil na rin sa kanyang mga fan.

Ang tanong, mapantayan kaya ni Vice si Morissette na nagkaroon na rin ng LED billboard ad sa Time Square, New York City.

Kailangan munang bumenta ng kanta ni Vice sa Spotify at maging music influencer sa international.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!