Kinabukasan Balita

Quezada, Filipinas tuloy sa paghahasa

MALIWANAG ang kinabukasan!

Ito ngayon ang kinakaharap nina Quinley Quezada at ng buong Philippine women’s national football team o mas kilala sa tawag na Filipinas dahil nakatakda silang sumalang sa mga tune-up match sa mga kalapit-bansa.

Inanunsiyo ni Philippine Football Federation President Mariano ‘Nonong’ Araneta na sasalang ang Filipinas sa friendly game sa Dubai sa darating na Oktubre.

Bukod sa planong paglipad sa Dubai sa Oktubre, nasa drawing board din ni Araneta na makipagtagisan sa ilan pang bansa tulad ng Jamaica at Uzbekistan sa darating na Nobyembre ang national squad.

Hannah, Julianne pasiklab sa Thailand

Sunshine may tsansa sa titulo

IBO champ Dave balik bansa na

“Hopeully, we can arrange for them to play in Dubai against an African team and maybe New Zealand team,” pahayag ni Araneta sa ulat ng Spin.ph.

“Jamaica wants to come here in November. Hopefully, we can play Jamaica here and maybe one Asian country. Uzbekistan also wants to play here so maybe we can have a tri-nation tournament against Jamaican and against Uzbekistan.”

Magandang hakbang naman ito para kina Quezada, Inna Palacios, Jessica Miclat at Sarina Bolden bilang paghahanda sa darating na 2023 FIFA Women’s World Cup. (Aivan Episcope)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!