Kinabukasan Balita

PSC tinatrabaho balik ni Obiena sa PH team

BALIK sa Philippine team ang premyadong pole vaulter na si EJ Obiena, bagay na tinatrabaho na ng Philippine sports Commission (PSC) at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Sa isang email buhat sa PATAFA na may lagda ng presidente na si Agapito Capistrano, inihayag nito ang intensiyon na ibalik sa kanilang listahan ang 26-anyos na si Obiena.

Ito ay matapos na magbigay ng sunud-sunod na karangalan ang Olympian na dating pambato ng University of Sto. Tomas (UST) sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Ang nasabing liham ay nag-endorso din para kay Obiena na makatanggap ng parehong allowance na kanyang tinatanggap bago pa man siya tanggalin sa roster ng National team.

“I see no problem with the endorsement, EJ deserves to be back in the team,” pahayag naman ni PSC Officer In Charge, Atty. Guillermo Iroy Jr.

Kiefer itinanggi bagong dyowa

2YO Maiden Race alay kay Lagdameo

David gagamayin sistema ng Tigers

Ayon pa kay Iroy na kasalukuyang sinusuri ng ahensiya ang mga patakaran at rekord gaya ng National Sports Association (NSA) quota o ang team ceiling at saka gagawa ng mga kakailanganing papeles ukol dito.

Sinabi pa rin ni Iroy na kung kakailanganin na magdagdag ng slot ay kailangan ang aksiyon ng PSC Board, bagaman magiging epektibo ang pagtakda nito sa pamamagitan ng retroactive sa pagsusumite ng endorso.

Winasak ni Obiena ang isang Asian record sa kanyang pagtalon sa 2022 World Athletics Championship nitong Hulyo, kung saan siya ay nakakuha ng bronze medal.

“Will further motivate our athlete to perform better in the coming international competitions,” ayon naman sa PATAFA, lalo na umano ang paglahok sa 2024 Paris Olympics. (Annie Abad)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!