Kinabukasan Balita

PBA finalist sabak agad sa 1st EASL

UNANG makakaliskisan ang mga finalist ng 47th Philippine Basketball Association (PBA) 2022 Philippine Cup base sa nilabas Miyerkoles na buong schedule ng 1st East Asia Super League 2022-23 home-and-away sa Oktubre hanngang Marso.

Sasabak ang PBA all-Pinoy conference champion sa unang dalawang laro sa pagdayo sa South Korea upang sagupain ang Korean Basketball League runner-up Anyang KGC tampok sina national team mainstay Byeon Jun Hyung at posibleng ang kapipirma lang sa team na si 97th National Collegiate Athletic Association Rookie of the Year-Most Valuable Player Rhenz Abando.

Alexandra pinagulong pambato ng Slovakia

Dragic talon sa Chicago

PacBoy uupak uli sa Amerika

Makakatuos naman ng PBA runner-up team si dating National Basketball Association player Andrew Nicholson at ang Bay Area Dragons sa ipang laro sa Oktubre 12.

Nasa Final 4 na ang PH Cup na pinaglalabanan ng top seed San Miguel Beer, No. 2 defending champion TNT, No. 3 Magnolia Chicken Timplados at No. 4 Meralco. (Ramil Cruz)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!