Kinabukasan Balita

Pataas nang pataas: 3,858, bagong Covid-19 cases sa PH nitong Hulyo 28

Tumaas na naman sa 3,858 ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) nitong Huwebes, Hulyo 28.

Sa datos ng Department of Health (DOH), ang naturang bilang ang pinakamataas na naitalang kaso ng sakit simula Pebrero 10.

Nitong Hulyo 28, nasa 3,764,346 na ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Lumobo na rin sa 29,897 ang aktibong kaso ng sakit simula noong Abril 8.

Limang lugar pa rin sa bansa ang nakapagtala ng mataas na bilang ng kaso ng virus.

Kabilang sa nabanggit na lugar ang Metro Manila, Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon), Central Luzon, Western Visayas at Central Visayas.

Sa kabila nito, naitala pa rin ng DOH ang 1,705 na bagong nakarekober sa sakit kaya umabot na sa 3,673,745 ang kabuuan nito habang umakyat naman sa 60,704 ang bilang ng namatay mula nang matukoy ang unang kaso ng Covid-19 noong 2020.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!