Kinabukasan Balita

Paragua, ‘Pinas wagi sa Round 5

INILABAS ni GM Mark Paragua ang kanyang husay sa endgame upang ihatid ang Philippine men’s team sa 2.5-1.5 upset win kontra No. 31 Sweden Martes ng gabi sa round 5 ng 44th World Chess Olympiad na nilalaro sa Chennai, India.

Pinisak ni former Super Grandmaster Paragua (ELO 2461) si Erik Blomqvist (ELO 2521) sa board 1, habang tabla ang laban nina GM John Paul Gomez at Darwin Laylo, magibg ni IM Paulo Bersamina sa board, 2, 3 at 4 para ilista ang eight match point para sa 52nd seed PH Chess men’s team.

Nakipaghatian ng puntos si Gomez kay GM Tiger Persson Hillarp, tabla si Laylo kay GM Jonathan Westerberg habang draw si Bersamina kay GM Emanuel Berg.

Dragic talon sa Chicago

PacBoy uupak uli sa Amerika

Silent hero ng mga team

Nakisiksik ang Pilipinas sa 16 pang bansa sa 10th place sa event na ipinatutupad ang 11 rounds Swiss system.

Muling mapapalaban ang Pinoy woodpushers dahil katapat nila sa sixth round ang ranked 22 na Israel.

Inaasahang sisikapin ng Pilipinas na makuha ang four-game winning streak upang manatili ang kanilang asam na titulo. (Elech Dawa)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!