Kinabukasan Balita

P3-M halaga ng halamang marijuana, pinuksa; estudyante, huli sa isang anti-drug op sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga – Apat na plantasyon ng marijuana ang sinalakay ng mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office,Philippine Drug Enforcement Agency –Cordillera at Naval Forces Northern Luzon sa tatlong-araw na operasyon, Hulyo 19-21, sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga.

May kabuuang 15,000 piraso ng fully grown marijuana plants (FGMJP) ang pinagbubunot mula sa taniman na 1,500 square meters na lupain. Agad sinunog ng mg awtoridad ang mga halaman na tinatayang nasa P3 milyon ang halaga.

Samantala, sa isang isinagawang buy-bust operation, nadakip ng mga tauhan ng Tabuk City Police Station ang isang estudyante na tinukoy sa listahan ng high value individuals at  itinuring na isa sa Regional Top Ten Drug Personality.

Kinilala ang suspek bilang si Selly Marie Kitongan Canao aka Blessy, 20, estudyante at pawang residente ng Ileb Nambaran, Tabuk City, Kalinga.

Nakorner sa isinagawang buy-bust operation noong Hulyo 21 si Canao sa Purok 6,Bulanao Centro,Tabuk City,Kalinga.

Ayon sa pulisya, matagal ng sinusubaybayan ang modus operandi ng suspek sa pagbebenta ng ilial na droga, hanggang maisagawa ang buy-bust operation sa kanya.

Ibinenta ng suspek sa nagpanggap na poseur buyer ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 5.0 grams at may halagang P34,000.00. 

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!