Kinabukasan Balita

P23M jackpot prize sa Lotto 6/42, nadale ng 2 mananaya

Nadale ng dalawang mananaya mula sa Marikina at Antipolo City ang mahigit P23 milyon na jackpot price sa Lotto 6/42 na binola noong Sabado ng gabi.

Ayon sa Gaming, Product Development & Marketing Sector ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), may kabuuang P23,061,318.00 ang premyo sa winning number combination na 17-11-23-21-05-25.

Bangka lumubog sa Bahamas, 17 todas

P2.4M tsongke bistado sa Padala System modus

Hacker nambudol sa FB, arestado

Tig-P24,000 ang iuuwi ng 11 winner ng second jackpot prize; tig-P800 para sa 3,778 mananaya at 43,040 mananaya ang nanalo ng tig-P20.00.

Samantala, wala namang nanalo sa draw ng Grand Lotto 6/55 na may winning combination na 41-36-02-33-23-05 at jackpot prize na P29,700,000.00. Walo ang nanalo ng tig P100,000.00; 509 mananaya para sa tig-P1,500.00 at 11,989 bettor ang nanalo ng tig-P60.00

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!