Kinabukasan Balita

Oyo Sotto, sumailalim sa surgery dahil sa aksidente sa bisikleta

Kasalukuyan nang nagpapagaling ang aktor na si Oyo Sotto matapos sumailalim sa isang surgery dahil sa pagkaka-aksidente habang nagbibisikleta.

Ibinahagi ni Oyo sa kaniyang Instagram post nitong Hulyo 26, 2022 ang ilan sa mga larawan niya, magmula sa kalsada hanggang sa ospital.

“God is good! Surgery (Arthroscopic AC joint reconstruction) done! Had a bike accident last week that led to this. Lord Jesus, maraming salamat, You’re the best, I love you!” saad ni Oyo sa kaniyang caption.

A post shared by Oyo Sotto (@osotto)

Ang surgery na kaniyang binanggit ay ginawa sa kaniyang balikat matapos niyang mahulog mula rito. Hindi na idinetalye pa ni Oyo ang dahilan ng kaniyang aksidente.

Pinasalamatan din ni Oyo ang kaniyang misis na si Kristine Hermosa gayundin ang mga doktor na umasikaso sa kaniya.

“To my wife, I love you very much! Thank you for taking care of me. Iba ka talaga.”

“To my doctors, maraming salamat sa inyo. Keep safe everyone and God bless you all. Let’s not forget to thank the Lord in good and especially in bad times.”

Isa sa mga hobby ni Oyo ang pagbibisikleta, kagaya rin ng ilang celebrities tulad nina Kuya Kim Atienza, Billy Crawford, Direk Bobet Vidanes, at marami pang iba.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!