Kinabukasan Balita

Oshrie Jhames hari sa 12-under

PETMALU ang Pampanga woodpushers na sina NM Oshrie Jhames Reyes, WNM April Joy Claros at WNM Lexie Grace Hernandez matapos masikwat ang titulo sa katatapos na 2022 National Age Group Chess Championships – Grand Finals naa nilaro Hulyo 19-24 sa Robinson’s Place sa Malolos, Bulacan.

Naghari si Santa Rita, Pampanga bet Reyes sa Under-12 Open category, habang nagreyna sina Claros ng Angeles City, Pampanga at Hernandez ng Candaba, Pampanga sa Under-16 at Under-18 girls division, ayon sa pagkakasunod.

Sina Reyes, Claros at Hernandez ang kakatawan sa bansa sa Eastern Asia Youth Chess Championships sa Bangkok, Thailand.

“Congrats To our very own chess NM Oshrie Jhames Constantino Reyes for winning the crown in the recently concluded National Age Group Chess Grand Finals U-12 open category,” saad ni Pampanga Chess godfather at Bayanihan Chess Club board of director Jaime “Jimmy” Reyes.

Mike optimistiko sa Para Games

Jaylen workout sa ilalim ng tubig

Carcedo inupakan Asia Pacific crown

Nakapagtala si 11-year-old Reyes ng siyam na puntos mula sa 8 wins, 2 draws at 1 loss upang makuha ang titulo habang si Claros, 15, ay nilista ang 9.5 points.

Umiskor naman ang 16-anyos na si Hernandez ng 10 puntos, angat ng isang puntos kina runner-up place WNM Mhage Gerriahlou Sebastian ng Apayao at third placer WNM Rinoa Mariel Sadey ng Cabanatuan City, Nueva Ecija na may tig-9.0 points.

Ang tournament director ay si NCFP CEO GM Jayson Gonzales habang ang chief arbiter ay si Reden Cruz. (Elech Dawa)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!