Kinabukasan Balita

Olympian Mary Joy sure gold sa anak

KUNG dati, ang pinaghahandaan ng “Marathon Queen” na si Mary Joy Tabal ay ang kanyang paglahok sa mga kompetisyon upang makapag-uwi ng ginto, ngayon ay siguradong ginto na ang kanyang hinihintay, gayung kulang dalawang buwan na lang ay magiging isang ganap na nanay na siya.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ng Olympian na si Tabal, na ngayon ay Mrs. Hector Dan Jimenez na, ang kanyang video na nagpapakita ng kanyang “baby bump” habang nasa treadmill.

“Here’s my #31weeks of Pregnancy,” ayon sa caption ng nasabing video ni Tabal-Jimenez.

Lacsina babu na sa Lady Bulldogs

Harden hiking pakondisyon

Fajardo sakit sa ulo ng Bolts

“I honestly didn’t think I’d still be running this much in my pregnancy, but I’m so glad I’m able to and it might be one good reason why I’m having a happy, fit and easy pregnancy ‘so far’. Happy weekend,” ayon naman sa unang post ng 2017 Southeast Asian Games (SEAG) gold medalist na si Mary Joy.

Hulyo 13 ng taong kasalukuyan, ipinagdiwang ni Tabal ang kanyang ika-33 kaarawan, kasabay ang isinagawang “Gender Reveal” ng kanilang magiging anak ng mister.

Ngayong darating na Setyembre inaasahang ipapanganak ni Tabal ang kanyang panganay na anak na babae. (Annie Abad)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!