Kinabukasan Balita

Okumu nagpaalam sa UP women’s volley

NAGDESISYONG bumaba sa puwesto bilang head coach ng University of the Philippines women’s volleyball team si dating Kenyan national team coach Godfrey Okumu.

Kinumpirma mismo ng 53-anyos na dating Kenyan national team member sa kanyang social media account ang opisyal na pag-alis sa Katipunan-based volleyball squad matapos magsilbi rito ng apat na taon, kabilang ang 5-9 rekord sa nagdaang 84th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament para sa 6th place.

“I would like to make some clarifications on my position with UPWVT. I have since stepped down as the Head Coach of the team (University of the Philippines Women’s Volleyball team), and I will no longer be calling the shots,” wika ni Okumu sa kanyang Facebook account.

Karera Tips Ni J Gonzales

Adebayo gusto ugatan sa Heat

Henson buwisit sa mga pirata

“I would like to take this opportunity to appreciate the support that I received from the team for the last 4 years, the office of the Chancellor, the VAAS office, and the UP sports fraternity as a whole,” dagdag ng dating English teacher sa Japan at coach ng Oita Miyoshi Weisse Adler men’s professional squad.

Unang beses hinawakan ni Okumu ang UPWVT nung Season 80 ng malaglag ito sa 6th place sa 6-8 kartada, at nabigong maibalik sa Final Four ang koponan, na sinubukang dalhin ang “Japanese style” ng laro sa collegiate team, ngunit nabigong dalhin sa mas mataas na pwesto.

“I wish UPWVT all the best as the team starts its new Journey. MARAMING SALAMAT PO, ” aniya. (Gerard Arce)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!