Kinabukasan Balita

NTF-ELCAC: Serbisyo, hindi perwisyo!

SIGURADO ako, mag-iingay na naman ‘yung mga grupong ayaw sa kapayapaan at kaunlaran dahil sa bill ng inyong lingkod na institutionalization ng NTF-ELCAC, o ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Ngayon pa nga lang, mukhang andyan na sila para kumontra.

Tiyak, gagamitin nila ang bill ko para mag-rally at wala silang pakialam kahit mabawasan ang kakarampot na kita ng mga jeepney at bus driver dahil magkakatrapik-trapik kasi sasakupin ng martsa nila ang malaking bahagi ng kalsadang dadanan nila.

Ang pinakalayunin naman talaga ng mga protestador kaya sige lang ang rally tungkol sa iba’t-ibang isyu kahit lugmok na ang puwersa nila ay para agawin ang kapangyarihan sa legitimate government, wala nang iba, ‘yan talaga ‘yun.

Kaya makikita n’yo, hindi lang ‘yung NTF-ELCAC bill ko ang kanilang titirahin kundi pati ang administrasyon ni Presidente Marcos Jr., Duterte administration, military, West Philippine Sea, at marami pang iba.

Ito lang ang masasabi ko: Hindi ako mapipigil na isulong ang pagsasabatas ng institutionalization ng NTF-ELCAC kahit maraming protesta pa ang kaharapin ko.

Sa dami na ng aking pinagdaanan at sa tindi at haba na ng laban ko sa insurgency at terorismo para sa inangbayan bilang isang dating sundalo at pulis, masasabi kong talagang napakahalaga at napaka personal ng laban na ito para sa akin.

Success ang NTF-ELCAC, ‘di tulad ng mga tutol dito na kung tawagin ay mga “progresibong grupo”, pero sa totoo lang, perwisyo sila.

Ang NTF-ELCAC ay binuo sa bisa ng Executive Order 70 na nilagdaan noong December 4, 2018, ng noo’y Presidenteng Duterte.

Ang layunin ng EO 70 ay magpatupad ng “Whole-of-Nation” approach na government policy para sa attainment ng inclusive and sustainable peace.

Ramdam ng mga tao sa kanayunan ang ginhawang dulot ng EO 70 at NTF-ELCAC at kung bibisitahin n’yo sila ngayon, talagang peaceful na ang kanilang communities at nakakatanggap na sila ng serbisyo ng gobyerno. Hindi ito ‘ hearsay’ lang, dahil ako mismo ay personal na bumisita sa maraming lugar sa kabundukan na dati ay kuta ng mga rebelde pero ngayon ay NPA-cleared na.

Dati-rati, itong mga community sa far-flung areas tulad ng mga nasa kabundukan ay puro hirap ang dinaranas dahil sa panggugulo ng mga NPA na kinukuha ‘yung kakaunting ipapakain nila sa pamilya nila, ‘tapos kapag pumalag ‘yung mga tao, pinapatay nila.

Komyuter

Pagsugpo sa mga pang-aabuso online

Panalangin sa panahon ng lindol

Pero noong nagkaroon na ng NTF-ELCAC, hindi na nila mapasok ‘yung mga community at barangay at wala na rin silang makumbisi na sumapi sa kanila dahil nakita ng mga tao at naramdaman nila ang serbisyo ng gobyerno.

Dahil sa NTF-ELCAC, napondohan ang 2,318 projects sa mga lugar na dati nang pinagsamantalahan ng mga NPA.

Kasama sa mga development project na ‘to ang farm-to-market roads, construction ng school buildings, paglalagay ng water at sanitation system, rural electrification, housing, vaccination at immunization, livelihood, at iba pang tulong galing sa gobyerno.

Sa aking bill, bubuuin ang National Council to End Local Communist Armed Conflict na ibig sabihin, institutionalized na ang NTF-ELCAC dahil gagawin na itong Council.

Pamumunuan ang Council ng Presidente ng Pilipinas at maraming member na heads ng mga department na magsisiguro na mabibigyan ng priority at harmony ang delivery of basic services at social development packages sa mga conflict-affected areas at vulnerable communities.

Bibigyan din ng malawak na partisipasyon ang lahat ng sector para mas maging matagumpay ang pagpapatupad ng peace agenda ng gobyerno.

Ngayon, masama ba ‘to? Nation-building ito at talagang makikinabang ang lahat, bukod sa sisikaping makamit na ang matagal nang hinahangad na lasting peace sa ating bansa.

Kaya ‘yung mga magpo-protesta laban sa bill ko, walang makikinig at maniniwala sa inyo kundi ‘yung mga sumusuporta sa CPP-NPA, o baka kayo mismo ay supporters ng mga komunista.

Nakita mismo ng dalawang mata ko ang pagdurusa ng ating mga kababayan sa kamay ng mga teroristang CPP-NPA noong ako’y nakauniporme pa. Napakarami nating kasamahan sa serbisyo ang nagbuwis ng buhay para sa laban na ito.

Ngayong senador na ako, tuloy ang adbokasiya ko laban sa mga terorista pero hindi “baril-sa-baril” kundi sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas para sa kaunlaran tulad nitong bill na ito na magtatatag ng National Council to End Local Communist Armed Conflict.

Itaga mo sa bato!

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!