Kinabukasan Balita

NPA member, patay sa sagupaan sa Bulacan

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan – Patay ang isang umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ng grupo nito ang mga sundalo sa San Jose del Monte City sa Bulacan nitong Sabado.

Sa report na natanggap ni Bulacan Police Provincial Office director Col. Charlie Cabradilla, nakilala ang napatay na si Jovel Agudez ng Komiteng Larangan Gueroilla (KLG) – Narciso.

Nagpapatrulya ang mga tauhan ng 70th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA), kasama ang 1st, 2nd Bulacan Provincial Mobile Force companies, San Jose Del Monte City Police at 33rd Company ng Regional Mobile Force Battalion 3 (Central Luzon), sa Sitio Katorse, Barangay kaybanban nang makasagupa ang grupo ni Agudez.

Matapos ang ilang minutong lababan, tumakas ang mga rebelde at iniwan si Agudez na binawian ng buhay sa encounter site.

Nasamsam sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang 5.56 na baril na kargado ng bala, subersibong dokumento at mga personal na gamit.

PNA

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!