Kinabukasan Balita

‘Ninang Sarah’: Angeline, nagpasalamat sa pangungumusta ni Sarah G sa kaniyang anak

Binati ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto si “Popstar Royalty” Sarah Geronimo sa ika-34 kaarawan nito ngayong Lunes, Hulyo 25.

Sa isang Instagram update, ilang throwback pictures ang ibinahagi ng Angge ngayong kaarawan ng Kapamilya star.

“Salamat sa laging pangangamusta lalo sa anak ko kay Sylvio. Hindi man tayo laging nagkikita, alam kong masaya ka para sa akin at sa pamilya ko,” mababasa sa post ng singer.

Pinasalamatan din ni Angge si Sarah sa pagpayag nitong maging kumare niya, at maging ninang ni kaniyang anak.

“Salamat din sa pagpayag maging kumare ko at ninang ng BabyLove ko,” ani Angeline.

“Thank you SG at mahal kita!”

Ipinanganak ni Angeline si Baby Sylvio noong nakaraang Abril.

Noong Hunyo, star-studded ang naging binyag ni Baby Sylvio kasama ng ilang kaibigang celebrities ni Ange.

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Samantala, naging pasabog naman ang pagbabalik ni Sarah sa Asap Natin ‘To matapos ang halos dalawang taon.

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Basahin: ‘I’m finally home!’ Sarah Geronimo, balik-ASAP na, hinandugan ng espesyal na tribute – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!