Kinabukasan Balita

Nene ‘dinaliri’ ng lover ni ermat

Arestado ang isang 31-anyos na lalaki matapos nitong daliriin ang ari ng 12-anyos na anak ng kanyang karelasyon sa Navotas City kahapon hatinggabi.

Kinasuhan ng statutory rape sa ilalim ng Republic Act 7610 o Child Abuse Law ang suspek na si Ronald San Juan, ng B. Cabsenas St., Barangay Tangos ng lungsod.

Ayon sa biktima, naglalaro siya sa kanyang cellphone nang pumasok sa kuwarto niya ang suspek bandang alas-12:10 ng hatinggabi. Tinakpan umano nito ang kanyang bibig at saka dinaliri ang kanyang ari.

Sunog sa Makati isa patay, babae naputulan ng kamay

Bangka lumubog sa Bahamas, 17 todas

P2.4M tsongke bistado sa Padala System modus

Pagkatapos nito ay lumabas na ito ng kanyang kuwarto at muling nakipag-inuman sa kanyang lolo. Agad umano siyang nakipag-chat sa kanyang tiyuhin at isinumbong ang ginawa ng suspek kaya tumawag ito ng mga pulis at inaresto ang suspek.

Madalas sa bahay ng biktima ang suspek dahil karelasyon nito ang kanyang ina. (Orly Barcala)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!