Kinabukasan Balita

Nataranta kay Regine: Donny hindi naitanggi relasyon kay Belle

Nag ala-Marites na naman ang “Idol Philippines” judge na si Regine Velasquez nitong Linggo (Hulyo 31) nang bumisita ang “He’s Into Her” star Donny Pangilinan sa auditions ng singing competition.

Isang die-hard fan kasi ng “He’s Into Her” at DonBelle love team ang featured contestant na si Asha Trinidad. Nang malaman ito ng “Idol PH” judge Gary Valenciano na tiyuhin ni Donny, inimbitahan niya ang binata para ma-meet ang kanyang fan.

Kilig na kilig si Asha pero mas kinilig yata ang ibang judges at mga staff sa set dahil sa pag-intriga ni Asia’s Songbird kay Donny. Walang preno niya tinanong, “Kayo na ba ni Belle?”

Nabigla si Donny at ‘di makasagot. Iniba na lang niya ang topic, “Wait lang po ah kasi audition po ni Asha. Nandito lang po ako para mag- surprise.”

Binawi na lang ni Regine at pabirong sinabi, “Ah sorry, sorry, akala ko ‘Magandang Buhay.’” Guest co-host kasi siya ngayon doon sa morning talk show.

Catriona inalmahan ‘kapalpakan’ sa Bb. Pilipinas

Sandro Marcos pinagkaguluhan ng mga Kapuso star

Cardo pahahabain? Lala Vinzon tanggap pagkatalo

Tuwang-tuwa ang netizens sa nangyaring ambush interview ni Regine. Sabi ni @belindol sa Twitter, “Miss Regine nambibigla ka. The hiyawan of the staffs and Sir Gary’s smile tawang tawa ako hahahaha!”

Ang iba ay naaliw naman sa reaksyon ni Donny. Komento ni @tita_bheng, “Ang galing talagang mag-iba ng usapan ni Donny hahahaha. Ahh Ms. Regine, pasensiya na po. Wala pong aamin sa pamilyang to!”

Sabi naman ng isa, “Doon ako sa hindi dinenay!”

Muling nagte-trending ang breakout love team na DonBelle dahil patapos na ang ikalawang season ng “He’s Into Her.” Inaabangan nila kung magkakatuluyan nga ba ang karakter nina Donny at Belle sa finale episode na eere sa Agosto 3, 8 PM sa iWantTFC.

Samantala, nagsimula na ang Midrounds ng “Idol Philippines” kaya mas marami pang pasabog ang aabangan. Mapapanood ito tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, A2Z, iWantTFC, at TFC IPTV. (Dondon Sermino)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!